Iiyak ka sa presyo ng sibuyas


Dati sa halagang P20 ay may anim na piraso ka na. Pero ngayon, ang isang piraso ay  P27 na. Kamusta naman? Papatulan ba natin ito?

Mas maigi pang magtanim na lamang sa ating bakuran.

Mga mare’t pare, kung dati kapag naghiwa ka ng sibuyas ay napapaluha ka dahil sa katas nito, aba’y ngayon iiyak ka sa sobrang taas ng presyo nito.

Sa totoo lang, kahit ano lang ang ulamin natin basta ginisa sa sibuyas sigurado malinamnam na.

Dati sa halagang P20 ay may anim na piraso ka na. Pero ngayon, ang isang piraso ay  P27 na. Kamusta naman? Papatulan ba natin ito?

Mas maigi pang magtanim na lamang sa ating bakuran.

May dalawang paraan ng pagtatanim.

Una, bumili ng ilang spring onion o dahon ng sibuyas na may ugat. Ibabad ito sa tubig ang parte lamang na may ugat.  Huwag hayaang masama sa pagbabad ang tangkay nito dahil mabubulok at mamamatay. Matapos ang isang araw, maaaari ng itanim sa lupa. Gumupit lamang ng dahon sa tuwing kakailanganin.

Ikalawang, kung may nakatabi pa kayong sibuyas o natiyempuhang may pambili kahit mga pitong piraso, hatiin ang sibuyas sa gitna at ang parte na may ugat ang ipatong sa lupa.  Tiyaking buhaghag ang lupa at walang gumagapang na insekto. Gumamit lamang ng spray kapag dinidiligan.  Huwag na huwag pababayaang malunod sa tubig-ulan.

Maghintay na umusbong ang mga dahon. Maaaring gumupit ng dahon at gamitin na sa pagluluto.

Kung nais na makuha ang bunga mismo, dapat sa malawak at malalim na lupa pagtataniman dahil ang bunga nito ay makukuha sa ilalim ng lupa at maghihintay ng halos 120 araw.

Walang imposible sa nananakam na sikmura, mga mare’t pare. Para-paraan lamang.