SIM registration, inulan ng aberya

Sari-saring ang reaksiyon ng mamamayan sa pagsisimula ng SIM card registration noong Disyembre 27, 2022. Ngunit kapansin-pansin din ang mga aberya sa mga unang araw ng pagpaparehistro at sinamantala din ito ng iba upang magpakalat ng mga scam.

Isang pangunahing reklamo ng mga sumubok magparehistro ang mabagal na pagload ng mga website ng mga telco. Inireklamo din ang isang bahagi sa pagpaparehistro ng Globe Telecom na mga option sa paggamit ng impormasyon ng subscriber sa mga third-party partner para sa “business analytics and product development.”

May reklamo din ng mga text at email scam na nagsasabing restricted ang kanilang mga mobile payment application tulad ng GCash at Maya hangga’t hindi inirerehistro ang SIM card sa isang pre-registration process upang magamit ulit ang mga application.

Patuloy naman ang panawagan ng Junk SIM Card Registration Network na ibasura ang batas dahil ilalagay nito sa alanganin ang personal na impormasyon ng mamamayan. Ayon din sa mga eksperto sa digital rights, maaaring gamitin ito ng gobyerno upang tiktikan ang mamamayan na labag sa kanilang karapatan sa pribasiya.