Ellala Love It!

‘Di pinapansin, puwede palang pakinabangan!


Maraming putaheng pwedeng gawin mula sa puso ng saging. Puwedeng maggata, kilawin o torta. Pero kalimitang tinatapon na ang matitigas na parte nito gaya ng bulaklak.

Crispy Banana Blossom ala French Fries

Maraming putaheng pwedeng gawin mula sa puso ng saging. Puwedeng maggata, kilawin o torta. Pero kalimitang tinatapon na ang matitigas na parte nito gaya ng bulaklak.

Pero alam n’yo bang puwede pang pakinabangan ito?

Mayaman naman ito sa fiber, calcium, iron at vitamins A at C. Hindi lang ito lamang-tiyan na nakakabusog. Pambihira, masarap at masustansya pang handa ito para sa pamilya. Maeengganyo kahit ang mga batang hindi mahilig kumain ng gulay!

Matrabaho lang pero madali lang gawin ito. Gumawa tayo ng “crispy banana blossoms ala French fries” mula sa “labor of love!”

Crispy Banana Blossom ala French Fries

Crispy Banana Blossom ala French Fries Recipe:

Mga sangkap:

  • Bulaklak ng saging
  • Mantika
  • Batter mixture:
    • ½ cup harina (all-purpose flour)
    • 1/2 cup cornstarch
    • ½ tsp. paprika
    • ½ tsp. garlic powder
    • ½ tsp. asin
    • ½ tsp. paminta
    • ½ tsp baking soda (opsyunal)
  • 1 ¼ cup ng tubig
  • breadcrumbs

Mga hakbang ng pagluluto:

  • Himayin ang bulaklak. Tanggalin ang stigma sa gitna. Ito ang matigas na bahagi na hugis palito o antenna.
  • Ilagay sa tubig at ibabad nang mga isang oras.  
  • Hugasan at patuluin sa salaan.  
  • Gumamit ng malinis na tuwalya para patuyuin ito. 
  • Para sa batter, paghaluin ang mga tuyong sangkap. Unti-unting buhusan ng tubig habang hinahalo para maiwasang magbuo-buo ang harina.  Tikman kung naaayon sa panlasa. Puwedeng magdagdag ng asin at paminta.
  • Kapag makinis na ang batter, ilagay na ang bulaklak ng saging. 
  • Pagulungin ang bawat hibla sa breadcrumbs. 
  • Sa kumukulong mantika, i-deep fry ito hanggang maging malutong. Isa-isa itong ilagay para ‘di magdikit-dikit.
  • Kapag kulay tostado na, hanguin at salain para patuluin.
  • Ihain nang mainit kasama ang gusto n’yong sawsawan. Maaaring ketchup o mayonnaise.

Nagustuhan n’yo ba ang recipe? Maaaring magpadala ng komento o mga mungkahing putahe sa ellacolmenares.pmc@gmail.com.

Hanggang sa muli!