ILO kay Marcos Jr.: Irespeto ang karapatang mag-organisa

Hinirang na tagumpay ng All Philippine Trade Union (APTU) ang High-Level Tripartite Mission (HLTM) ng International Labour Organization (ILO) na natapos noong Enero 27.

Dapat tukuyin at solusyunan ng administrasyong Marcos ang lahat ng kaso ng karahasan laban sa mga manggagawa ang pangunahing resolusyon na pinagkaisahan ng mga manggagawa, employer at gobyerno.

“Gusto kong bigyan ng pagdidiin ang pinakamalawak at pinakamalalim na pagkakaisa ng buong kilusang paggawa sa Pilipinas,” ani Kilusang Mayo Uno (KMU) chairperson Elmer Labog.

Tumindig ng mga mayor na labor group sa Pilipinas para sa freedom of association at collective bargaining kabilang ang KMU, Federation of Free Workers (FFW), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at iba pa.

Kasabay nito, nagkakaisang ipinahayag ng APTU ang pagkondena sa umiiral na culture of impunity sa bansa.

“Mukhang sa pagtanaw ng mga kapulisan, mayroon pa rin silang kinalaman sa usapin ng labor relations. Wala dapat. Pinakita sa masusing pakikipag-interview sa agencies na patuloy na lumalala ang kondisyon ng mga manggagawa sa isang climate ng takot para i-exercise ang kanilang freedom of association,” wika ni Nice Coronacion ng Sentro.

“Mali at hindi kailanman makatuwiran ang polisiya ng gobyerno na tahasan at arbitraryong iugnay ang kilusang paggawa sa insurhensya sa bansa na labis na nakaapekto sa malayang pag-ehersisyo at pagtamasa ng mga manggagawa sa kanilang karapatang mag-organisa,” ani Labog.

Panawagan ng APTU—pagsalitain si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga konklusyon, resolusyon at rekomendasyon ng HLTM.

Ayon sa grupo, kailangang irepaso ang mga umiiral counter-insurgency program, kabilang na ang Anti-Terror Law at Executive Order 70 na nagpapatuloy sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) para matigil ang atake sa kilusang paggawa.

Bunga ng HLTM ang pangunahing resolusyon para sa administrasyong Marcos Jr. na magtatag ng isang “presidentially mandated body” upang tukuyin at tugunan ang lahat ng mga nakabinbing kaso ng extrajudicial killing at abduction ng mga unyonista at manggagawa.

Binigyan ng taning ng ILO ang administrasyong Marcos Jr. hanggang Hunyo 5, kung kailan haharap ang gobyerno ng Pilipinas sa ILO.

“May 129 araw ka pa [Marcos Jr.] para sagutin ang panawagan ng mga manggagawa at tugunan ang rekomendasyon ng International Labor Organization high level tripartite mission,” wika ni Labog.