Manggagawa ng URC, nagprotesta sa Cebu


Nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region VII ang mga manggagawa ng planta ng Universal Robina Corporation (URC) sa Mandaue City noong Pebrero 17 upang igiit ang regular na empleyo. Naghain sila ng motion for reconsideration hinggil sa iligal na tanggalan na ginawa ng kumpanya noong April 2022. Sa […]

Protesta ng mga manggagawa ng Universal Robina Corporation Cebu
Protesta ng mga manggagawa ng Universal Robina Corporation Cebu
Protesta ng mga manggagawa ng Universal Robina Corporation Cebu sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment. Larawan mula sa MayDay

Nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region VII ang mga manggagawa ng planta ng Universal Robina Corporation (URC) sa Mandaue City noong Pebrero 17 upang igiit ang regular na empleyo.

Naghain sila ng motion for reconsideration hinggil sa iligal na tanggalan na ginawa ng kumpanya noong April 2022.

Sa kabila ng pangakong i-absorb at ilipat ng agency, nasa 293 kontraktuwal na manggagawa, sa ilalim ng agency na People First Labor Service Cooperative (PFLSC), ang naiwan sa floating status.

Bukod sa kawalan ng regular na trabaho, kinakaharap din ng mga manggagawa sa Region VII ang napakataas na mga presyo ng pagkain at serbisyo.

Ayon sa Ibon Foundation, P1,235 ang tinatayang nakabubuhay na sahod sa rehiyon, malayo sa kasalukuyang P435 na minimum wage sa Cebu.

Pag-aari ng pamilyang Gokongwei ang URC na kilala sa mga produktong pagkain at inumin tulad ng Jack ‘n Jill, Nissin, C2, Swiss Miss at Vitasoy. Gumagawa rin ang kumpanya ng mga pagkain at gamot para sa livestock tulad ng manok at baboy./Ulat ng Mayday Multimedia. Litrato mula sa Aninaw Productions