Pambobomba sa Cagayan, kinondena


Kinondena ng samahan ng mga magsasaka na Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Danggayan) ang ginawang pambobomba ng 17th Infantry Battalion, 501st Infantry Brigade at Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force sa Brgy. Hacienda Intal, sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Pebrero 2.

Pambobomba sa Cagayan
Larawan mula sa Amihan

Kinondena ng samahan ng mga magsasaka na Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Danggayan) ang ginawang pambobomba ng 17th Infantry Battalion, 501st Infantry Brigade at Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force sa Brgy. Hacienda Intal, sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Pebrero 2.

Ayon sa Danggayan, nagresulta ang pambobomba sa paglikas ng 150 pamilya mula sa mga sitio ng Regaay, Birao, Marus, Krosing at Patina.

Sa hiwalay naman na ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), may 107 pamilya o 235 na indibidwal ang nagbakwit sa lugar.

“Lubusang naapektuhan  ang kabuhayan ng mga residente, naiwan ang kanilang mga maisan at alagang hayop na kalabaw, baboy, aso at manok,” pahayag ng Danggayan.

Ayon din sa grupo, nagsasaka sa kanilang upland farm ang karamihan sa mga residente na sa ngayon ay nilalagyan ng abono at gamot. Naiwan din ng mga magsasaka nag mga inaani na luya.

Naalarma naman si Karapatan secretary general Kristina Palabay dahil sa posibilidad na masaktan ang mga residente sa ginawang pambobomba ng militar sa Baggao. 

“This refusal to distinguish between combatants and non-combatants has resulted in mounting civilian casualties in the state’s decades-long counter-insurgency war,” wika ni Palabay.