Mga simbahan, inaanyayahang makilahok sa ‘Red Wednesday’
May temang “Embracing Persecuted, Oppressed, and Needy Christians” ang Red Wednesday ngayong taon upang itampok ang “pastoral na gawain ng Simbahan sa pagsuporta sa mga Kristiyano mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.”
Inaanyayahan ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mga simbahan at mga Kristiyano sa bansa na makilahok sa Red Wednesday sa darating na Nob. 29 para sa “pag-alala para sa mga kapatid na inusig at inuusig dahil kay Kristo.”
May temang “Embracing Persecuted, Oppressed, and Needy Christians” ang Red Wednesday ngayong taon upang itampok ang “pastoral na gawain ng Simbahan sa pagsuporta sa mga Kristiyano mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.”
“If possible, the building of the Churches, schools, hospitals, houses, and other institutions is to be illuminated and/or decorated in red,” ani ACN Philippines administrator Fr. Jaime Marquez.
“The local Church may also encourage the faithful to wear red on that day as [a] remembrance for the shed blood of Christ on the Cross as persecuted and martyred and for the blood of our persecuted brethrens,” dagdag niya.
Ang “Red Wednesday” ay nagsimula pa noong 2015. Sa Simbahang Katoliko, sinasagisag ng kulay pula ang dugo ng mga martir na namatay sa kanilang pananampalataya kay Kristo.