Puto bumbong na walang kawayang bumbong


Nauuso na naman ang mga tradisyonal na kakanin ngayong papalapit na ang Pasko. Isa na dito ang puto bumbong na malimit na kainin pagkatapos ngĀ  Simbang Gabi o Misa de Gallo. Sakto ang sarap at init nito habang magkakasamang kumakain ang pamilya pagkatapos magsimba.

Nauuso na naman ang mga tradisyonal na kakanin ngayong papalapit na ang Pasko. Isa na dito ang puto bumbong na malimit na kainin pagkatapos ng  Simbang Gabi o Misa de Gallo. Sakto ang sarap at init nito habang magkakasamang kumakain ang pamilya pagkatapos magsimba.

Kaya naman, mainan na gamitin ang panahon na ito upang kumita gamit lamang ang P215!

Mga sangkap:

  • 500 g harina mula sa malagkit na bigas (P50)
  • Ube coloring (P10)
  • Niyadyad na niyog (P35)
  • 1/4 kg pulang asukal (P25)
  • Sesame seeds (P5-10)
  • Keso (P55)
  • Mantika (P10)
  • Aluminum foil sheet (P20)
  • Tubig

Opsiyonal na sangkap:

  • Dahon ng saging (P10)
  • Ube flavoring (P60)
  • Condensed milk
  • Butter o margarine

Mga gamit sa pagluluto:

  • Steamer
  • Yadyaran o grater
  • Sandok
  • Malaking mangkok

Paraan ng pagluto:

  1. Tunawin ang 1/2 kutsaritang food coloring sa 1 1/2 basong tubig. Paghaluin ito at harina sa isang mangkok. Masahin at dagdagan ng tubig kung kinakakailangan hanggang sa parang maging clay ang harina saka yadyarin na magmumukhang parang basang buhangin. Itabi itong dough.
  2. Gupitin ang aluminum foil sheet upang makabuo ng tatlong pulgadang lapad at 13 pulgadang na parihaba. Pahiran ng mantika, butter o margarine ang loob ng nagupit na foil upang hindi manikit ang niyadyad na dough.
  3. Maglagay ng dalawang kutsarang niyadyad na dough. Ihugis ito na parang silindro. Balutin nang paikot at itupi o i-twist ang mga dulo.
  4. Ihilera sa steamer at ilagay lang ito kapag kumukulo na ang tubig. Pakuluin ng mga 20 minuto.

Alisin mula sa mga foil cylinder gamit ang kutsilyong pinahiran ng mantika, butter o margarine.

  1. Ihain kasama ng toppings na niyog at sesame seeds. Budburan ng pulang asukal ayon sa panlasa. Para maging espesyal, dagdagan ng niyadyad na keso at kondensada.

Para sa toppings:

  1. Tustahin ang sesame seeds sa isang tuyong kawali (huwag lagyan ng mantika). Initin sa katamtamang apoy sa loob ng mga tatlong minuto, hanggang sa maging ginintuan ang kulay at bumango. Huwag iwanan ang kalan dahil ang mga buto ay madaling masunog.
  2. Pagsamahin ang sesame seeds at niyog. 

Gamit ang recipe na ito, aabutin ng P215 ang gagastusin at hindi pa kasama ang mga opsiyonal na ingredients. Maaaring makagawa ng 40 pirasong puto bumbong at makapagbenta ng apat na piraso sa halagang P40 (regular) at P50 kung may keso at kondensada (special). Sa regular na presyo, maaaring kumita ng P400-500 mula sa maliit na puhunan.