CPP-NPA, nagdeklara ng 2 araw na ceasefire
Sinabi ng NPA National Operations Command sa isang pahayag na suspendido ang lahat ng taktikal na opensiba ng mga yunit ng NPA sa buong Pilipinas simula 12:01 a.m. ng Dis. 25 hanggang 11:59 p.m. ng Dis. 26.
Nagdeklara ng dalawang araw na tigil-putukan o ceasefire ang Communist Party of the Philippines-National People’s Army (CPP-NPA) para ipagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng partido sa Dis. 26.
Sinabi ng NPA National Operations Command sa isang pahayag na suspendido ang lahat ng taktikal na opensiba ng mga yunit ng NPA sa buong Pilipinas simula 12:01 a.m. ng Dis. 25 hanggang 11:59 p.m. ng Dis. 26.
Ang ceasefire din umano ay bilang pakikiisa nila sa tradisyonal na pagdiriwang ng publiko sa Pasko.
“The two-day ceasefire aims to allow the peasant masses and NPA units in their area to conduct assemblies, meetings or gatherings to celebrate the Party’s anniversary, look back at past achievements, and pay tribute to all heroes and martyrs of the Philippine revolution,” saad nito.
Samantala, sinabi pa rin nitong nananatiling naka-high alert and handa pa rin ang lahat ng mga yunit ng NPA.
“[All] units of the NPA are placed in high alert and must be vigilant and ready to act in self-defense to counter and frustrate hostile movements or actions of enemy units within the scope of the NPA’s guerilla fronts and areas of operations,” saad nito.
Magpapatuloy umano ang mga guerrilla offensive nito sa Dis. 27.
Noong Nobyembre, nagkasundo ang National Democratic Front of the Philippines at Government of the Republic of the Philippines na ituloy ang usapang pangkapayapaan upang pag-usapan ang mga mayor na isyu at resolbahin ang ugat ng armadong paglaban.