Kumusta na ang mga migranteng Pinoy?


Sa paggunita sa International Migrants Day ngayong Dis. 18, alamin natin ang kanilang iba’t ibang kalagayan.

May tinatayang mahigit 12 milyong Pilipino sa ibayong dagat. Nasa 1.96 milyon ng mga Pilipinong migrante ang overseas Filipino workers (OFWs) ayon sa pinakabagong Survey on Overseas Filipinos. At noong 2022, nasa 800,000 na OFW ang dineploy sa iba’t ibang bansa ayon sa Department Migrant Workers (DMW).

Binubuhat din ng mga migranteng Pilipino ang ating ekonomiya sa kanilang salaping ipinapadala sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas. Tinataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na aabot sa $37 bilyon ang kabuuang remittance ng OFWs sa pagtatapos ng 2023.

Ngunit higit sa mga padala nila, ano na nga ba ang kalagayan ng mga migranteng Pinoy? Sa paggunita sa International Migrants Day ngayong Dis. 18, alamin natin ang kanilang iba’t ibang kalagayan.

Sina Annel Abu Tawila (kaliwa) at Evelyn Corgolio, mga Pilipinong lumikas mula sa Gaza. Michael Beltran/Pinoy Weekly

Ayon sa Migrante International, nakalulungkot ang kalagayan ng karapatang pantao ng OFWs at migranteng Pilipino sa gitna ng genocide ng Israel sa Palestine na suportado ng United States (US).

“First, OFWs and Filipino migrants were forced to leave the country to find employment abroad because of the lack of decent jobs in the Philippines—a result of the government’s overdependence on the world market and refusal to develop industries and agriculture,” ayon sa Migrante International.

“The Philippine government has continuously failed to uphold Filipinos’ right to ‘just and favorable conditions of work’ stated in the UDHR (Universal Declaration of Human Rights) and elaborated by the International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights or ICESCR, which emanated from the UDHR,” dagdag ng grupo.

Binanatan din ng Migrante International ang “kakaunting ginagawa” ng gobyerno ng Pilipinas upang matiyak ang karapatan sa makatarungan at paborableng kondisyon sa pagtatrabaho ng mga OFW at migranteng Pinoy habang sila ay nasa ibang bansa.

“[When] the lives of OFWs in Gaza were endangered by Israel’s indiscriminate bombing operations and brutal ground warfare, the Philippine government was nowhere to be found to help them,” dagdag nito.

“The Philippine government under Ferdinand Marcos Jr. even rejected calls for a humanitarian ceasefire, which could have sped up repatriation of distressed OFWs from Gaza.”

Tinatayang nasa 30,000 na Pinoy, karamihan ay caregivers, ang nananatili sa Israel, habang 130 naman ang nasa Gaza ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Samantala, nasa higit 100 na ang na-repatriate sa Pilipinas, ayon din sa DFA.

Pina-deport nitong Dis. 7 si Edna Becher, isang kabataang aktibistang Filipino-Swiss ng Anakbayan Europe. ICHRP Europe/Facebook

Mariing kinondena ng Migrante International ang pag-detain at pag-deport kay Edna Becher, youth leader ng Anakbayan Europe at isang Swiss passport holder nitong Dis. 7.

“We hold the Philippine Bureau of Immigration and the [Ferdinand] Marcos Jr. government responsible for Edna’s detention and deportation, and reject the reason they cited for their actions — that she has been blacklisted by the Philippine government for her involvement in anti-government activities,” saad ng Migrante International.

Si Becher ay kabilang sa mga kabataang Pilipinong ipinanganak sa ibang bansa o naninirahan sa ibang bansa na may pusong Pilipino at nais malaman ang tunay na kalagayang sosyo-ekonomiko sa Pilipinas at nakikilahok sa mga kilusang panlipunan upang magkaroon ng pagbabago sa bansa.

“Edna’s detention and deportation shows that the Marcos Jr. government has not learned the lessons of history,” dagdag ng Migrante International.

“One of these is that no amount of government repression can silence Filipino youths and migrants who will persevere in their activism and fight back against, even outs, repressive regimes,” sabi nito.

Philippine News Agency

Inaprubahan ng House of Representatives sa General Appropriations Bill ang pagpapataas ng budget ng gobyerno para sa labor export habang binabawasan naman nito ang budget para sa mga serbisyo sa OFWs.

Para sa Office of the Secretary of the DMW, ang panukalang budget sa Department of Budget Management sa National Expenditure Program (NEP) ay P3.6 bilyon, mas mababa sa 2023 national allocation na P4.2 bilyon.

Sa kabila nito, inaprubahan ng Kamara ang P6.1 bilyong alokasyon para sa DMW, isang napakalaking 82% na pagtaas ng budget.

Samantala, para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na napupunta sa mga serbisyo para sa OFWs, ang NEP na iminungkahi ay P12 bilyon para sa 2024, mas mataas kaysa sa P11.7 bilyong budget para sa 2023.

Sa kabila nito, inaprubahan ng Kongreso ang P6.4 bilyong budget para sa OWWA, isang napakalaking 44% na pagbawas sa budget ng opisina.

“The OWWA budget cut only means that the government is abandoning OFW services to OFW themselves,” ani Migrante International.

“OFWs are left alone to pay for services that we need and avail through our OWWA contributions even as we also pay for other state exactions and our families pay various taxes,” paliwanag nito.