Pagbibigay ng libreng menstrual products, ipinanukala sa Senado


Sinabi ni Sen. JV Ejercito sa inihaing Senate Bill 2475 na matagal nang napapabayaan ang karapatang ng kababaihan sa “accessible” at “affordable” na menstrual care products.

Inihain sa Senado ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng libreng menstrual products ang kababaihan.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito sa inihaing Senate Bill 2475 na matagal nang napapabayaan ang karapatang ng kababaihan sa “accessible” at “affordable” na menstrual care products.

“The lack of discourse on menstrual health care has resulted in discrimination and stigma causing some of our young Filipino students to miss school not only due to shame and embarrassment but also due to unaffordability,” ani Ejercito.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Department of Education na magbigay ng libreng menstrual products sa mga babaeng estudyante habang ang Department of Health naman ay inaatasan magbigay sa bawat Barangay Health Center nito para ipamahagi.

“It is time that we also advocate for the normalization of menstrual health and hygiene needs of menstruators from our country,” sabi ni Ejercito.

“It is time we prioritize the health of our girls and women by providing free-of-charge menstrual products to public school students and made available in public health centers,” dagdag niya.

Nananawagan din ang World Health Organization para sa pagkilala sa menstrual health bilang health and human hights issue na may pisikal, sikolohikal at panlipunang dimensiyon at isa sa mga isyu na kailangang matugunan.

Noong Nob. 24, makasaysayang inaprubahan ng Scottish Parliament ang pagbibigay ng libreng menstrual products sa mga nangangailangan nito.