Tipid na pampalamig ngayong tag-init


Sa simpleng DIY evaporative cooling system at mga sustainable na solusyon, maaaring magpalamig nang hindi gumagastos ng malaki.

Beat the heat sa isang eco-friendly DIY evaporative cooling system na mura at madaling gawin.

  • Malaking mangkok o mababaw na lalagyan
  • Ice cubes o frozen water bottles
  • Electric fan
  1. Punuin ang mangkok ng ice cubes o frozen water bottles.
  2. Ilagay ang electric fan ng direkta sa harap ng lalagyan ng yelo. Siguruhing maayos ang pagkakapatong nito at nakatutok sa iyong direksyon o sa lugar na nais mong palamigin.
  3. I-on ang fan sa pinakamataas na setting. Habang natutunaw ang yelo, dumadaloy naman ang hangin sa ibabaw nito kaya’t nagiging malamig sa pakiramdam.
  4. Bantayan ang natutunaw na yelo. Mainam na lagyan ng sapin upang hindi makadulas o makakuryente ang natunaw na yelo. Kailangan ding palitan ang mga natunaw na yelo upang mapanatili ang epekto ng pagpapalamig.
  1. I-schedule ang siesta sa mga maiinit na oras ng araw (karaniwang 12 p.m. hanggang 3 p.m.)
  2. Gumamit ng mga bamboo blinds o puting kurtina.
  3. Pagbukas ng mga bintana at pinto upang papasukin ang simoy ng hangin.
  4. Paggamit ng gel pack o basang tuwalya na nilagay sa ref. Gamitin sa puslo, leeg, sintido, noo, kili-kili at paa upang matulungan lumalig ang pakiramdam

Sa simpleng DIY evaporative cooling system at mga sustainable na solusyon, maaaring magpalamig nang hindi gumagastos ng malaki.