Tinanggal na manggagawa sa Harbour Centre, pinababalik
Iniatas na ng Korte Suprema noong Setyembre 2021 na ibalik ang mga empleyado ng Harbour Centre Port Terminal, Inc., ngunit hanggang ngayon hindi pa rin sila naibabalik.
Patuloy ang panawagan ng Unyon ng mga Manggagawa sa Harbour Centre na ibalik sa trabaho ang 370 manggagawang ilegal na tinanggal noong 2020 sa harap ng opisina ng National Labor Relations Commission sa Quezon City noong Hun. 18.
Iniatas na ng Korte Suprema noong Setyembre 2021 na ibalik ang mga empleyado ng Harbour Centre Port Terminal, Inc. (HCPTI), ngunit hanggang ngayon hindi pa rin sila naibabalik.
Bukod sa pagbabalik sa trabaho, ipinanawagan din ng unyon sa piket na ibigay na ang back pay o sahod na dapat sanang tinanggap nila mula sa panahong tinanggal sila.
Tinanggal ng HCPTI, kompanyang pag-aari ni Michael Romero, ang mga manggagawa dahil tapos na umano ang kontrata ng kompanya sa labor agency na Grasials Corporation.
Magmula noon, ipinaglalaban na ng mga manggagawa ang kanilang karapatan at patuloy na nanawagan na maibalik sila sa kanilang mga trabaho.