Manggagawa ng Paperland, nagpiket laban sa panggigipit


Nagprotesta ang mga manggagawa ng Paperland Inc. nitong Okt. 18 sa Quezon City, para tutulan ang arbitraryong suspensiyon, pagbuwag sa unyon at pag-atake sa mga lider ng kanilang samahan.

Nagprotesta ang mga manggagawa ng Paperland Inc. nitong Okt. 18 sa Quezon City, para tutulan ang arbitraryong suspensiyon, pagbuwag sa unyon at pag-atake sa mga lider ng kanilang samahan, lalo na sa pangulo na si Renato Ayroso

Nanawagan ang unyon ng mga manggagawa na itigil ang panggigipit hindi lang para sa kanilang kapakanan kundi para rin sa kanilang mga pamilya. 

Ayon sa unyon, nagsimula ang mga pag-atake ng management ng kompanya matapos nilang ipainspeksyon ang pagawaan sa Department of Labor and Employment noong Mayo dahil sa mga paglabag sa occupational safety and health standards.

Kasunod nito, sinuspinde si Ayroso ng 21 araw na dumulo sa sapilitang pagtanggal sa kanya sa trabaho. Ayon sa lider-unyon, isang hakbang ng mga manggagawa ang kanilang pagkilos upang siguruhin ang kanilang kabuhayan at kaligtasan sa trabaho.

Alinsunod sa Republic Act 11058 o Occupational Safety and Health Law, kailangang tiyakin ng management ang maayos na kalagayan ng mga manggagawa habang nasa lugar ng trabaho at bahagi dito ang pagsasagawa ng mga inspeksiyon para matiyak ang kanilang kaligtasan at kalusugan.