Sa Divisoria bago mag-Pasko
Ngayon, ako ang sasabak sa giyera kasama rin ang mga anakpawis na nagsisikap makabili ng mga panregalo sa kanyang minamahal sa buhay.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano nakukuha ng lola at mama ko na pumunta ng maaga sa isang sentro ng pamilihan. Maghahanda pa sila ng damit na komportable, at hindi na nila kailangan magsuot ng sapatos, kung hindi tsinelas na lang.
Nakita ko sila, nag-aayos, na parang pupuunta sila ng giyera. Madaming bayong na dala at iba’t ibang uri pa ng Vicks para menos sa hilo sa biyahe.
Ngayon, ako ang sasabak sa giyera kasama rin ang mga anakpawis na nagsisikap makabili ng mga panregalo sa kanyang minamahal sa buhay. Madalas laruan, damit at iba pang gamit sa bahay. Isa rin naman ang ang mga palengke ng mga karne, gulay, at iba pang rekado sa Noche Buena.
Ngayon, ano kaya mangyayari sa mga nagtitinda sa kalsada ng Divisoria? Paano kaya sila nabubuhay ngayon dahil may mga Shopee, Lazada at iba pang e-commerce platform sa bansa?










Sa huli, ang mga nagtitinda sa lansangan tulad sa Divisoria may nakikipagsapalaran sa tuloy-tuloy na pagbabago ng ekonomiya. Ang mga maliliit na negosyo ay kailangan humanap ng paraan na pagsabayin ang tradisyon at ang makabagong teknolohiya upang patuloy na magtagumpay sa nagbabagong mundo ng kalakalan.
Ngunit sa panahon ng mga pagbabago, ang mga nagtitinda ay naiiwan at pinabayaan sa atake ng mga pag-alis sa puwesto na nagreresulta sa pagkawala ng kabuhayan. Umaasa ang masa na sana mura ang bilihin, at mabilis nilang makuha at makita nila nang maayos ang bibilhin. Ang Divisoria ay nanatili sa kanyang puwesto. Ang puwesto ng para sa masa.