Buhay Pinoy

Mahal na puhunan pero mura pa rin


Mahal na puhunan pero mura pa rin
Kakaiba ang kariton ng nagtitinda ng palamig na ito sa Menidola. Ilang libong piso ang nagastos niya upang magkaroon ng apat na drinks dispensers na ito sa ibabaw ng kanyang aluminum na kariton. Di hamak na mas mahal ito sa halagang gagastusin niya kung gagamit siya ng tradisyonal na galon bilang lalagyan ng inumin. Ngunit kahit namuhunan siya ng mahal sa kanyang kagamitan, parehas at mababa pa rin naman ang presyong ibinibigay niya sa pampalamig para sa mga uhaw na dumaraan (Darius Galang).