Istorya ng Linggo

Larawan: Krus ng maralitang Pilipino, araw-araw pasan, lalong bumibigat

Hindi lamang ngayong Semana Santa, mistulang araw-araw ang kalbaryo ng maralitang Pilipino sa kasalukuyang krisis at kaayusang panlipunan. Kaya naman ginamit ng mga maralita ng Brgy. Jose Corazon de Jesus at Bayan-NCR ang pagkakataon ngayong Semana Santa para isalarawan ang matinding krus na ipinapasan ng sambayanan.

Nagmartsa mula sa Simbahan ng Malate hanggang sa Plaza Ferguson sa Maynila ang mga mamamayan ng Corazon de Jesus Sn. Juan kasama ang Bagong Alyansang Makabayan-National Capitol Region (Bayan-NCR) para magsagawa ng maikling pragrama. Dito iginiit nila sa administrasyong Aquino na wakasan na ang umano'y patung-patong na krus na ipinapasan ng mga mamamayan. Nananatiling walang aksiyon ang pamahalaan sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga bilihin, kasabay pa nito ang mabagal na pagaksiyon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga migranteng Pilipino na nalalagay sa panganib sa ibang bansa. (Alvin Joseph Tenedero)

Nagmartsa mula sa Simbahan ng Malate hanggang sa Plaza Ferguson sa Maynila ang mga mamamayan ng Corazon de Jesus Sn. Juan kasama ang Bagong Alyansang Makabayan-National Capitol Region (Bayan-NCR) para magsagawa ng maikling pragrama. Dito iginiit nila sa administrasyong Aquino na wakasan na ang umano'y patung-patong na krus na ipinapasan ng mga mamamayan. Nananatiling walang aksiyon ang pamahalaan sa sunod sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga bilihin, kasabay pa nito ang mabagal na pagaksiyon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga migranteng Pilipino na nalalagay sa panganib sa ibang bansa. Samantala, patuloy ang pagtindi ng atake sa kanilang karapatan sa paggawa, kabilang ang paglaganap ng kontraktuwalisasyon. (Alvin Joseph Tenedero)
Samantala, pasan na krus ng mga manggagawa at kawani ng gobyerno ang kawalan ng makabuluhang dagdag-sahod na makakaampat sana sa matinding paghihirap ng mga maralita dulot ng krisis.Patuloy na itinatanggi ni Aquino ang panukalang P125 dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor at P6,000 salary increase sa mga kawani ng gobyerno. Patuloy din ang mga atake sa kilusang paggawa, tulad ng paglaganap ng kontraktuwalisasyon. (Alvin Joseph Tenedero)
Ginawang pagkakataon ng mga militante ang Semana Santa para muling ipahayag ang kanilang panawagan para sa makabuluhang taas-sahod ng mga manggagawa at pagbaba sa nagtataasang presyo ng mga bilihin. (KR Guda)

Hindi mga sundalong Romano, kundi mga sundalong sinanay at inarmasan ng gobyernong US ang nagpapahirap sa mga mahihirap na Kristo ng bagong panahon, ayon sa Kadamay-NCR. Samantala, nasa likod naman mga sundalo, sumasang-ayon sa paghihirap ng mga Kristo ang imahen ni Pangulong Aquino. (KR Guda)

Ilan sa mga krus na ipinapasan ngayon ng sambayanan, ayon sa Kadamay-NCR: bagong programang kontra-insurhensiya na Oplan Bayanihan, kawalan ng tunay na reporma sa lupa, walang habas na pagtaas ng presyo ng langis at bilihin, at mga atake sa karapatan ng manggagawa, kabilang ang paglaganap ng kontraktuwalisasyon sa paggawa. (Wowie Tubije II)

Kinabukasan, Miyerkules Santo, nagtipon ang iba't ibang militanteng grupo sa iba't ibang lugar sa Kamaynilaan para ihayag muli ang "kalbaryo" ng bagong panahon na dinaranas ng mga mamamayang Pilipino. (Wowie Tubije II)
Nagtipon ang iba't ibang militanteng grupo sa iba't ibang lugar sa Kamaynilaan para ihayag muli ang "kalbaryo" ng bagong panahon na dinaranas ng mga mamamayang Pilipino. (Wowie Tubije II)