Mga Larawan: Barikada sa North Triangle, tagumpay; demolisyon ipinagpaliban


Noong gabi ng Agosto 30, isang misa ang isinagawa ng mga residente ng Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City para markahan ang vigil laban sa demolisyon. Magbibigay-daan ang demolisyon sa joint venture ng gobyerno at Ayala Land, Inc. na bahagi ng itatayong Quezon City Central Business District. (Amanda Echanis/ Sining Kadamay)
Nagbigay si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng 30-araw na palugit, taliwas sa kanyang unang pahayag na itutuloy ang demolisyon sa Agosto 31. Subalit hindi naging kampante ang mga residente at itinuloy ang barikada. (Amanda Echanis/Sining Kadamay)
Nakatayo ang barikadang ito sa may Edsa. Ave. simula noong Agosto 17. (Amanda Echanis/ Sining Kadamay)
Bahagyang nagkaroon ng tensyon nang dumating ang ilang trak ng Metro Manila Development Authority (Amanda Echanis/Sining Kadamay)
Carlito Badion, pangalawang tagapangulo ng Kadamay, kinausap ang ground commander ng MMDA na pilit sinisiguro ang mga residente na hindi sila naroon para magdemolis kundi para pangalagaan lamang ang daloy ng trapiko. (Amanda Echanis/ Sining Kadamay)
Nagmartsa ang mga residente sa kahabaan ng Edsa Ave. (Amanda Echanis/ Sining Kadamay)
Nagkaroon din ng barikada sa Agham Rd. (Amanda Echanis/ Sining Kadamay)
Idineklara ng mga maralitang residente na tagumpay ang barikada. (Ilang-Ilang Quijano)
Sa kanto ng Edsa at North Ave., masiglang nagkita ang mga residenteng nagbarikada kapwa sa Edsa at Agham Rd. (Ilang-Ilang Quijano)
Pangako nilang patuloy na ititindig ang barikada hangga't nakaamba ang banta ng demolisyon. Simula ang unang demolisyon noong Set. 23, 2010, may 2,000 maralitang pamilya na nagpa-relocate ang bumalik na sa North Triangle dahil sa kawalan ng hanapbuhay sa relokasyon sa Montalban, ayon sa Alyansa Kontra Demolisyon. (Amanda Echanis/ Sining Kadamay)