Rey “PJ” Abellana, idinepensa ang anak na si Carla Abellana sa mga intriga
Ang sabi nga ay ‘the show goes on’ anuman ang kalagayan ng isang artista. Kaya kahit na may lagnat, sipon, trangkaso at pananakit ng mga kasu-kasuan, hala at magsulat para may ipahayag sa buong mundo kaugnay sa kaganapan sa showbiz. Pinabulaanan nga ni Rey “PJ” Abellana na nanliligaw si ER Ejercito sa kanyang anak na […]
Ang sabi nga ay ‘the show goes on’ anuman ang kalagayan ng isang artista.
Kaya kahit na may lagnat, sipon, trangkaso at pananakit ng mga kasu-kasuan, hala at magsulat para may ipahayag sa buong mundo kaugnay sa kaganapan sa showbiz.
Pinabulaanan nga ni Rey “PJ” Abellana na nanliligaw si ER Ejercito sa kanyang anak na si Carla Abellana.
“Si ER pa. Kilala ko ‘yan. Hindi ganyan ‘yan,” pahayag ni Rey sa isang panayam dahil hindi nga mahagilap sina ER at Maita Sanchez.
Umuwi raw ng Aklan ang mag-asawang pulitiko at katatapos lang ng kaarawan ng gobernador ng Lalawigan ng Laguna.
Taga-Aklan ang ina ni Ejercito kaya naman ay pusod at puso siya para rito.
***
Panay umano ang padala ni ER ng mga pagkain at bulaklak kay Carla sa set ng “El Presidente The General Emilio Aguinaldo Story” na pinagbibidahan ni Ejercito katambal si Abellana bilang Hilaria del Rosario Aguinaldo, ang unang asawa.
“Talaga namang ganyan sa showbiz, e. Pag leading lady mo, sinusuyo mo. Ako, hindi ako naniniwala na may ganyan si ER. Hindi ako tatalunin no’n,” wika ni PJ.
Pero kalat na kalat na ang ulat na ito na pinsimulan ng peryodistang pampelikulang si Danny Batuigas sa kanyang kolum bilang blind item pero dahil ang patnugot niya ay ang peryodistang pampelikula ring si Art Tapalla, aba’y natunugan din niya siyempre agad na sina Carla at ER ang tinutukoy ng istorya.
Si Abellana pa nga ayon kay Danny ang mas malamang na maging sanhi ng paghihiwalay nina Ejercito at Maita.
“Nkau, hindi mangyayari ‘yan. One-woman man ‘yang kaibigan kong ‘yan. Sabay kaming nagsimula n’yan sa showbiz kaya paano ko hindi siya makikilala nang lubusan?” tanong ni Rey.
Kaya amen na lang muna tayo.
***
Samantala, natuloy rin ng piging na inihanda ni Zeny Marcelo-Poe, ang balo ni Conrad Poe para sa kanyang kaibigang peryodistang pampelikulang si Alice Vergara.
Nagkatuwaan ang barkada kaya naghanda si Zeny para kay Alice at imbitado sina Marissa Delgado, Dinah Dominguez, Azenith Briones at ang kani-kanilang alalay.
Masaya si Alice pagkatapos dahil alam ba ninyong kaedad pa ni Fernando Poe, Jr. si Vergara?
Ayon kay Marcelo-Poe, sitenta y tres anyos na si Alice at nakikisimpatya sa pagka-senior citizen niya sina Marissa.
***
Kaarawan namin pero masama ang pakiramdam pero marami ring bumati sa Facebook, sa text, sa telepono, sa personal.
Si Art, nagkukuwento na ang entertainment manager daw ng Diamond Arcade Mall na si Phillip Gomez ay may hidwaan kay Ivy Batulahar, ang dating kawaksi ni Tita Swarding.
Madalas mag-emcee si Ivy sa Diamond Arcade Mall katambal si Phillip pero bakit kaya may hinanakitan ang dalawa?
Ayon kay Tapalla, nagsumbong sa kanya si Batulahar pero tiyak na magdedepensa naman si Gomez sa kanya dahil anak-anak din niya ang bagitong direktor at impresario.