Uncategorized

“Ang Manggagamot (The Faith Healer),” tinanggap nang mabunyi sa FACINE18 ng San Francisco Main Library, California


Isa lang ang Fil-Am na si Nena Marcaida Gastilo sa mga nakapanood ng video documentary drama naming “Ang Manggagamot (The Faith Healer)” na ipinalabas kamakailan sa Koret Auditorium ng San Francisco Main Library sa San Francisco, California kamakailan. Nagustuhan ni Gastilo ang pelikula at ayon sa kanya, ipinagmamalaki niya ang obrang ito. Ito ang nakasaad […]

Isa lang ang Fil-Am na si Nena Marcaida Gastilo sa mga nakapanood ng video documentary drama naming “Ang Manggagamot (The Faith Healer)” na ipinalabas kamakailan sa Koret Auditorium ng San Francisco Main Library sa San Francisco, California kamakailan.

Nagustuhan ni Gastilo ang pelikula at ayon sa kanya, ipinagmamalaki niya ang obrang ito.

Ito ang nakasaad sa Facebook message ni Nena para sa amin: “Pumunta ako sa Library this morning, I watched the film and it was good. Congratulations. The pasyente Justo Justo gumaling ba siyang tuluyan? Yong manggagamot gumagamot pa ba sya? I remember Aling Maria na naghihilot at nagsusuob.”

Heto pa ang karagdagang mensahe ni Marcaida-Gastilo para sa amin na siyang prodyuser, direktor, manunulat, tagalikha ng senaryo at iba pang papel sa pelikula: I watched the film today.

Congratulations on your production. It reminds me during those days when we were young playing in the school, (standard) when I got sick ipinagamot ako sa albularyo, may roon daw dwende. May mangagagamot na nakakagamot talaga kung maniniwala. The film was good.”

***

Sa panig naman ng organizer ng FACINE o Filipino American Cine Festival na si Mike Feria, dating aktibong miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at tagapagtatag ng Young Critics Circle at Kritika, sinabi niyang maganda ang resuta ng pagtatanghal ng “Ang Manggagamot (The Faith Healer)” at iba pang likhang-sining sa pestibal.

Ayon kay Feria, non-stock at non-profit ang FACINE at naglalayon na maipamahagi ang mga pelikulang Pilipinong likha ng mga Filipino sa Pilipinas at mga Filipino sa Estados Unidos.

Nakakalabingwalong taon na ang FACINE at lalo pang nagiging masigasig sa pagtataguyod ng arteng Filipino.

Isinisingit lang nga ito ni Mike sa kanyang maraming opisyo sa buhay sa ibang bansa.

Sinabi pa ni Feria, Mauro Feria Tumbocon, Jr. sa tunay na buhay na maganda ang ipinamalas na pakikiisa ng mga manonood sa taunang pestibal ngayong taong ito kaya mas marami at magaganda pa ang ipapalabas sa mga susunod na taon.

Base sa pagpapalabas ng mga pelikulang Filipino noong December 17, 2011 ay naging mabunga ang interpretasyon nito sa sambayanang Filipino at kahit na sa mga komunidad sa US.

***

Narito ang kabuuang komento ni Mike na bihasa nang kritiko ng pelikula at sining sa buong mundo: “Na-appreciate kong maigi ang film mo nung pinalabas ko sa bigger screen. Okay siya and I can say, meron kang mata at instinct for the dramatic, lalo na kung tutuusin, documentary ang style mo.

“I did not realize na nangyari pala ito kay JJ; matagal ko na siyang fb friend pero wala siyang binanggit tungkol dito.”

Si JJ ay si Justo C. Justo, ang pamosong peryodistang pampelikula na nagpauso ng mga katagang “etchos” “faziwziw vaga” at marami pang salitang Bisayang naging popular sa showbiz at kalaunan ay minana na ng lipunang Filipino at sinalita nang parang normal na mga wikang pambansa o kahit pa bansagan ng mga linguwistang “barubal” ay maitituring na ambag ni Justo sa wikang Filipino.