Uncategorized

Huling kabit sa bakbakang Ramon Tulfo vs. Raymart Santiago at Claudine Barretto


Hindi lang sa pelikula at sa telebisyon matatapang sina Ramon Tulfo, Raymart Santiago at Claudine Barretto. Maging sa tunay na buhay, sila’y kumakasa. Napatunayan ito nang mag-engkuwentro ang tatlo sa Ninoy Aquino International Airport kung saan kamakailan pinagtulungan nina Raymart, Claudine, ng kanilang mga kabagang at mga guwardiya ng NAIA si Ramon. Ipinakita naman ni […]

Claudine Barretto, Raymart Santiago, at Ramon Tulfo

Claudine Barretto, Raymart Santiago, at Ramon Tulfo
Ang mag-asawang sina Claudine Barretto at Raymart Santiago, at Ramon Tulfo

Hindi lang sa pelikula at sa telebisyon matatapang sina Ramon Tulfo, Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Maging sa tunay na buhay, sila’y kumakasa.

Napatunayan ito nang mag-engkuwentro ang tatlo sa Ninoy Aquino International Airport kung saan kamakailan pinagtulungan nina Raymart, Claudine, ng kanilang mga kabagang at mga guwardiya ng NAIA si Ramon.

Ipinakita naman ni Tulfo ang kanyang katapangan nang kunan niya ng litrato sa espasyon ng Cebu Pacific sa paliparan ang pagtataray ni Claudine sa isa sa mga manggagawa ng kumpanya.

Kagagaling lang sa Boracay nina Santiago at Barretto kasama ang kanilang mga anak at ilang kaibigan samantalang si Mon ay mula sa Davao City.

***

Nagrereklamo si Claudine sa tapat ng puwesto ng Cebu Pac sa NAIA dahil ang kanilang bagahe ay inalis at iniwan ng biyahe.

May mga gamot ani Barretto sa mga gamit nila na kailangan ng isang batang kanilang kasama na maaaring ikamatay nito kung wala ito.

Dito na pinagsalitaan ng aktres ang trabahador ng kumpanya ng eroplano at sinabi umano ng bituin na puwede niyang paalisin ang manggagawa sa pinagtatrabahuhan nito.

Balak na nga ngayon ng babaing staff ng Cebu Pacific na maghain ng pormal na laban kontra Claudine.

***

Samantala, bakit hindi man lang naman ipinaalam ni Tito Mon kay Raymart ang kanyang pakay sa pagkuha ng larawan kay Barretto habang nakikipagtalo ito sa babaing manggagawa ng Cebu Pac, ayon na rin kay Santiago na patuloy anya ang kanyang pagtatanong sa peryodista kung ano ang ginagawa nito?

Nakangisi lang ani Raymart si Tulfo nang tanungin niya ito.

Madali lang namang sagutin ang isang tanong dahil nasa tama naman ang beteranong mamamahayag.

Marahil ay kumpiyansiya lang si Ramon na kilala siya ni Santiago dahil pareho silang sikat.

Pero sa isang panayam kay Tulfo ay sinabi nito na hindi niya kilala si Claudine at ang paglalarawan lang niya sa aktres ay mataba at matron.

***

Lalo pang kumukumpikado ang mga bagay-bagay sa istoryang ito nang kapwa magdemandahan ang magkabilang kampo.

Pati ang pagyapak sa mga karapatan ng mga paslit ay inihain nina Raymart at Claudine laban kay Ramon maliban sa coercion, slight physical injury at violation against women.

Pati pagbabanta ay isinampa ng mga bituin laban sa kapamilya ni Ramon na sina Raffy, Erwin at Ben Tulfo na lumabas sa telebisyon at nagsabing mababanatan din nila ang mag-asawa.

Si Tulfo naman ay nag-asunto ng grave physical injury at iba pang matitinding kaso laban kina Barretto at Santiago.

Kamakailan ay nagdemanda rin si Tito Mon ng paglabag nina Claudine, Raymart at ng mga kasamahan ng mga ito sa karapatan ng mga may edad na dahil senior citizen na ang peryodistang panradyo at pantelebisyon.

***

May kaugnayan nga ba sa kahambugan ang mga taong kasangkot sa kasong ito?

Hindi nga ba’t kahambugan ang ginawang panlalait ni Claudine laban sa babaing staff ng Cebu Pacific?

Hindi rin maitatatwang may kahambugan si Tito Mon sa hindi pagsagot kay Raymart kung bakit siya kumukuha ng mga litrato ni Claudine?

At kahambugan din, di ba, ang pagsapak nang maramihan laban sa nag-iisang kalaban tulad ni Tulfo?

Ang kasikatan ba ay nakasaksak sa mga ulo ng mga konektado sa isyu?

Nagkahangin na nga ba ang kanilang ego nang dahil sa impluwensiya, katanyagan, kapangyarihan?