PALAKAD-LAKAD LANG SA Q.C. Nabigyan ng dahilan ng bagyong Ondoy ang mga tropang Kano na magpalakad-lakad sa Quezon City ngayon. Kalahok umano ang mga tropang ito sa mga relief operations sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ondoy. Ngunit sa lahat ng mga bansang umaayuda sa Pilipinas para mamigay ng relief goods, gobyernong US lamang ang nagpapadala ng mga sundalo at hindi sibilyan. (Jeffrey Ocampo)
Handa nga ba ang Pilipinas sa kalamidad? O kaya nama’y isang araw, gugulatin na lang tayo ng matinding pagragasa ng bagyo o baha? Sa pagtutuon ng gobyerno sa “emergency response,” sa halip na isang mas komprehensibong “disaster management,” alam na natin ang sagot.
Nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa na pinakamadalas na tinamaan ng natural sakuna noong 2009, ayon sa Citizens’ Disaster Response Center (CDRC). Tinamaan ang Pilipinas ng 26 na natural disaster noong nakaraang taon, batay sa mga rekord ng Centre for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED), ayon kay Lourdes Louella Escandor, executive […]
May ilang nagsasabing hindi raw gawain ng mga Pilipino ang magturo ng pananagutan sa panahon ng sakuna. Unahin muna raw ang pagtulong bago ang pagturo. Pero sa kasong ito, sa pagkakataong ito na napakalinaw kung sino ang may pananagutan sa mga trahedya, hindi dapat natin pinalalampas ang panahong maningil at humiling ng hustisya. Si Arroyo, ang mga ahensiya ng kanyang rehimen, ang mga pabayang lokal na opisyal – dapat natin silang singilin.