Fujiwara Effect
Kakatapos lamang ng bagyong Ondoy na nanalasa sa kalakhang bahagi ng Luzon, dumating ang malakas na hangin na dulot ng bagyong Peping. Ngunit paglabas nito sa isla ng Luzon, hinila itong pabalik ng bagyong Quedan, sa tinatawag na Fujiwara Effect. Ang Fujiwara Effect ay isang pangyayari sa pagitan ng dalawang paikot na pagkilos ng bagyo […]

Kakatapos lamang ng bagyong Ondoy na nanalasa sa kalakhang bahagi ng Luzon, dumating ang malakas na hangin na dulot ng bagyong Peping. Ngunit paglabas nito sa isla ng Luzon, hinila itong pabalik ng bagyong Quedan, sa tinatawag na Fujiwara Effect.
Ang Fujiwara Effect ay isang pangyayari sa pagitan ng dalawang paikot na pagkilos ng bagyo (o vortex). Maglalapit ang dalawang vortices hanggang kalaunan ay iikot silang dalawa sa isang bahagi o sentro. Sa pagitan ng dalawang hindi pantay na vortices, dodominahin ng mas malaki ang interaksiyon at iikot ang mas maliit dito. Mas napapansin ang penomenon na ito kapag nagkalapit ang dalawang vortices sa tantiyang layo na 1,450 kilometro.
Iilan pa lamang ang naitatalang bagyo na sumapit sa Fujiwara Effect sa kasaysayan. Nakaranas sa penomenon ang mga taong 1994 sa rehiyon ng Pasipiko (nakabuo ng buong pag-inog ang Typhoon Pat at Tropical Storm Ruth sa kanilang sentro at naging isang buong cyclone), ang 1995 sa Atlantiko (naglapit ang Hurricane Humberto and Hurricane Iris sa isang panandaliang Fujiwara interaction, hanggang may isa pang bagyong lumapit, ang Tropical Storm Karen, na umikot sa mas malakas na Iris), ang 1997 (dalawang supertyphoon, Ivan at Joan, ang naglapit, at iwinasiwas ang isa’t isa sa ibang direksiyon), noong 2004 nang higupin ng bagyong Lisa Tropical Cyclone report, ang pagkahigo ng bagyong Alpha ni bagyong Wilma noong 2005 at nasundan pa ng paghigop ng bagyong Lidia ng bagyong Max. Noong 2008, uminog ang Tropical Cyclone Fame kay Tropical Storm Gula, hanggang higupin ito ng mas malakas na Gula
Dalawang paris na ng bagyo sa Pilipinas ang sumapit sa Fujiwara Effect, isa na ang nangyari kina Peping (International name Parma) at Quedan (International name Melor). Noong 2007 ay sinapit na rin ito ng nga bagyong Hagibis at Mitag.
Nanggaling ang pangalan sa penomenon sa nakadiskubre nito na si Sakuhei Fujiwara, isang meteorologist na Hapon na isinalarawan ito sa kanyang sulatin noong 1921 ukol sa pagkilos ng mga pag-ikot o vertices sa tubig.