Leptospirosis


Sa mga nagdaang baha sa kalunsuran dulot ng bagyong Ondoy, tumaas ang kaso ng mga tinamaan ng Leptospirosis. Ano nga ba ang nakamamatay na sakit na ito na pinapahirapan ang ilang pasyenteng nanggaling sa tubig-baha? Ang Leprospirosis ay dulot ng isang bakterya na tinatawag na Leptospira spp. Maroong ilang strain ito na hindi malubha ang […]

Sa mga nagdaang baha sa kalunsuran dulot ng bagyong Ondoy, tumaas ang kaso ng mga tinamaan ng Leptospirosis. Ano nga ba ang nakamamatay na sakit na ito na pinapahirapan ang ilang pasyenteng nanggaling sa tubig-baha?

Ang Leprospirosis ay dulot ng isang bakterya na tinatawag na Leptospira spp. Maroong ilang strain ito na hindi malubha ang idudulot na impeksiyon sa katawan. Ikinakalat ito sa ihi ng mga kontaminadong hayop tulad na lamang ng daga, ngunit maari ring taga-dala ng sakit ang aso, kuneho, usa, baka, kambing o ilan pang marine mammals. Madaling kumalat ang ang bakterya habang basa. Madalas tirhan ng bakterya ang mga basang lupain tulad ng tabing ilog o ang mga pinagpapalakhan ng mga alagaing hayop. Malaki ang korelasyon ng pagdami ng kaso ng Leptospirosis sa dami ng buhos ng ulan, kaya seasonal ito sa mga temperate na bansa, at buong taon sa mga tropikal na bansa.

Dalawang paraan ang pagpasok ng bakterya sa katawan ng magiging biktima nito. Una ang pagsagap ng maruming tubig sa bukas na parte ng balat, karanasan ang pagkakaroon ng sugat. Maaari ring makainom ng tubig na kontaminado ng Leprospira ang biktima.

Matatagpuan sa dugo ang bakterya pito hanggang sampung araw mula sa pagpasok nito sa katawan ng biktima. Mula rito, dadaloy an ito sa bato (kidney) at makikita ang bakas ng bakterya sa ihi ng biktima sa loob pito hanggang sampung araw. Makakaranas ang biktima nito ng mga komplikasyon tulad ng meningitis, bahagyang paghina ng pandinig, matinding pagkaramdam ng pagkahapo, paghirap ng paghinga, at ilan pang komplikasyon sa daluyan ng ihi kung saan maaaring humantong ito sa komplikasyon sa atay (ang mas malalang kaso nito ay tinatawag na Weil’s Disease o madalaas ring tawaging Weil Syndrome).

Iba’t iba rin ang diagnosis ng magiging sakit ng biktima ng leptospirosis. Sa katamtaman hanggang mataas na paglala ng sakit, makikita ang sintoma ng ilang lagnat tulad ng dengue, hepatitis, viral meningitis, malaria at typhoid. Makikitaan rin ng paninilaw ng mata (jaundice). Kailangan ng ispesipikong pagsusulit sa pasyente para wasto ang diagnosis sa leptospirosis. Madalas nagbibigay ng mahalagang indikasyon sa pagsusulit ng pasyente ang lugar ng tirahan nito at ang kanyang pagkakaroon ng kontak sa tubig, lalo na kung hinihinalang kontaminado.

Walang bakuna para sa tao ang leptospirosis. Ilang pag-agap sa pasyente na naging biktima ng bakterya ang pagbibigay ng antibiotics. Dialysis naman ang kailangan sa mga malubha na nag sintoma.