Pakak na budget hacks para sa mga newly hired 


Tandaan, piliin na mas maging masinop na Pilipino, pahalagahan ang bawat pisong pinagpaguran mo.

Sa pagsisimula sa pagtapak sa totoong laban ng bahay, kailangang mas maging wais tayo sa mga desisyon na ating gagawin lalong lalo na sa paghahawak ng unang suweldo.

Kaya bago ka magsimulang mag-check out sa online shopping app o bago mo bilihin ang iyong food cravings, basahin ang mga sumusunod na tipid tips sa mas maayos na pagbabadyet ng unang salary.

Sa paraan na ito, hahatiin mo ang mo ang iyong buwanang sahod sa tatlong mga bahagi. Ang kalahati ay ilalaan para sa mga needs o pangangailangan, 30% sa mga kagustuhan, habang ang natitirang 20% naman ay para sa savings.

Mabilis na tumaas ang bilihin sa panahon ngayon, kaya mas makakatipid kung imbis na bibili ng mga pagkain sa restaurant o fast food sa araw ng iyong pagpasok sa trabaho, mas mainam na mag baon ng mga masustansiyang pagkain upang mapawi ang gutom.

Nakaka-overwhelm ang paghawak ng pera kaya may mga desisyon dapat tayo na hindi gawin nang padalos-dalos. Sa mga unang taon ng ating pagtatarabaho, iwasan muna ang kumuha ng mga Buy Now, Pay Later at credit card debt na sistema dahil walang patutunguhan ang maagang pag-utang.

Hindi naman masama ang bumili ng mga gusto natin. Ika nga ng mga Gen Z, deserve mo ang mga bagay na pinagpaguran mo. Magkagayon man, bago natin bilhin ang isang bagay tanungin muna natin ang ating mga sarili: Kailangan ko ba ito?

Ugaliing itala ang bawat pisong ginagastos araw-araw upang malaman kung saan napupunta ang sahod nang sa gayon ay maaaring baguhin ang mga gawi sa paggastos.


Sa bilis ng pag-usad ng panahon, hindi na tayo sa pabata. Kasabay sa ating pagtanda ay ang pag-atang ng mas mamabibigat na responsibilidad at tungkulin sa ating mga balikat. 

Tandaan, piliin na mas maging masinop na Pilipino, pahalagahan ang bawat pisong pinagpaguran mo.