Istorya ng Linggo

Kredibilidad ng sistemang elektoral, nakasalang


Nakasalang ang kredibilidad ng buong prosesong elektoral sa botohan ngayong Mayo 10, 2010. Sundan sa Pinoy Weekly ang susing mga ulat at analisis para sa ating pagmulat, pagkaisa at pagkilos sa kahihinatnan ng halalan.

Sambayanang Pilipino: Makakaasa ba ng tunay na pagbabago sa halalang ito? (Boy Bagwis / PW File Photo)
Sambayanang Pilipino: Makakaasa ba ng tunay na pagbabago sa halalang ito? (Boy Bagwis / PW File Photo)

Nakasalang ang kredibilidad ng buong prosesong elektoral sa botohan ngayong Mayo 10, 2010.

Habang nagkukumahog ang Commission on Elections sa pagsasaayos ng mga gusot — mula pagdeliber ng precint count optical scan (PCOS) voting machines at panibagong memory cards, hanggang paglulunsad ng testing sa mga makinang ito — sa bisperas ng botohan, lalong umiigting naman ang hinala ng marami na magkakaroon ng malawakang aberya ngayong Mayo 10. Samantalang inaasahang naghahanda naman ang mga kandidato ng iba’t ibang pang-aareglo para makaungos sa bilangan, todo naman ang paghahanda ng iba’t ibang pribadong grupo at progresibong mga organisasyon, pati ng midya, na bantayan nang masinsinan ang halalan.

Sa lahat ng mga ito, tila nangingibabaw ang posibilidad na pumalpak ang kauna-unahang eleksiyong komyuterisado (hindi manwal) sa bansa. Para sa maraming tagasuri, nangingibabaw rin ang posibilidad ng pananatili sa poder ng kasalukuyang administrasyon. Kung mangyayari ang mga ito, tiyak ang pagbagsak ng kredibilidad sa publiko ng ating sistemang elektoral. Posible pa bang makamit ang makabuluhang pagbabago — ang pagwawakas sa kahirapan at pagsasamantala — sa sistemang ito?

Abangan ang susunod na kabanata.

Sundan sa Pinoy Weekly ang susing mga ulat at analisis para sa ating pagmulat, pagkaisa at pagkilos sa kahihinatnan ng halalan ngayong Mayo 10, 2010.

Iklik ang link sa ibaba:

PINOY WEEKLY COVERAGE SA ELEKSIYONG 2010

Sundan din kami sa Twitter at Facebook.