Mga Larawan: P-Noy, siningil sa pangakong ipamahagi ang Hacienda Luisita


Tampok sa kilos-protesta sa Korte Suprema ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita na nakatanggap lamang ng piso kapalit ng compromise agreement, at nagsasabing sinungaling si Pangulong Aquino.

caption
Kaalinsabay ng pagdinig ng Korte Suprema noong Agosto 18 sa kaso ng Hacienda Luisita, nagsagawa ng kilos-protesta ang tinatayang 500 magsasaka na nagmula pa sa asyenda, at kanilang mga tagasuporta. Nakasulat sa kanilang plakard na may imahe ni Pang. Benigno Aquino III ang "Liar, Liar," patungkol sa pangako ng pangulo noong kampanya na ipapamahagi ang lupaing pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino. (Jose Cosido)
caption
Hiling nila sa Korte Suprema ang pagbasura sa compromise agreement na inilako ng manedsment ng Hacienda Luisita Inc. (HLI), na tinitingnan bilang iskema para pangunahan ang desisyon ng korte at makatakas muli sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)
caption
Mula Plaza Salamanca sa Taft Ave., Maynila, nagmartsa ang mga magsasaka patungo sa Korte Suprema sa Padre Faura St. (Macky Macaspac)
caption
Sa kanto ng Padre Faura at Taft Ave., hinarang sila ng puwersa ng 200 pulis. (Macky Macaspac)
caption
Ipinakita ng dating manggagawang-bukid ng HLI ang patunay na mahigit piso lamang ang kanyang natanggpap kapalit ng pagpirma sa compromise agreement. (Macky Macaspac)