Kalihim ng DENR, Gob. Lee, atbp. kinasuhan sa paglabag sa batas sa pagmimina
Mapaminsala umano ang pagmimina ng iron ore sa Matnog, Sorsogon. Pero walang ginawa ang DENR at lokal na mga pamahalaan, ayon sa mga grupong pangkalikasan, simbahan at magsasaka. Kung kaya kinakasuhan ngayon ng mga grupong ito ang mga opisyal na anila'y nagpabaya at di pumigil sa pagkasira ng kalikasan.