Avatar

Manuela Sanchez

Pelikula sa UP, pakikialaman na rin ng MTRCB?

Sa UP Film Institute ipinalalabas ang marami sa pelikulang hindi pinalad na bigyan ng magandang rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Karamihan dito’y tumatalakay sa usapin ng pulitika, kahirapan, kabaklaan at seks. Pero waring pati ito’y nais na ring pakialaman ng MTRCB.