Sosyalistang pinagmulan ng Araw ng Kababaihan

March 6, 2023

Malinaw ang mga sinabi ni Clara Zetkin hinggil sa burgis na peminismo at paglaya ng kababaihan sa kanyang talumpati noong 1889: “Walang inaasahan ang kababaihang uring anakpawis para sa kanyang paglaya mula sa burges na peminismong nakikibaka umano para sa karapatan ng kababaihan. Ang edipisyong iyon ay nakatuntong sa buhangin at walang tunay na batayan. Kumbinsido ang mga kababaihang uring anakpawis na ang paglaya ng kababaihan ay hindi mahihiwalay, kundi bahagi ng kabuuang usaping panlipunan. Malinaw sa kanilang hindi ganap na malulutas ang usaping ito sa kasaluyang lipunan kundi matapos lamang ang kumpletong pagbabago ng lipunan.” 

Armas nukleyar at ang US

August 23, 2015

Ika-70 taong anibersaryo ng pagbomba ng US sa Hiroshima at Nagasaki, Japan ngayong Agosto 2015. Tanging US lang sa lahat ng bansa sa mundo ang aktuwal na gumamit ng bomba nukleyar. Isa lang ito sa maraming krimen ng gobyernong US.

Tao ang mapagpasya

August 3, 2015

Pinatunayan na ng kasaysayan na hindi sa lahat ng pagkakataon nakakapamayani ang lakas militar sa mga tunggalian sa pagitan ng mga bansa.