News Update
Archive - Mar 16, 2008
Kilusang kontra-Arroyo bago mag-Semana Santa
Dumagsa sa lansangan noong Marso 14 ang libu-libong maralitang lungsod sa Kamaynilaan, sa pangunguna ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap), para isagawa ang 'Kalbaryo ng Maralita'. (Ilang-Ilang Quijano)
Pasang-krus
Diumano'y pasang-krus ng mga maralita ang bilyun-bilyong pisong nalustay sa mga katiwalian ng gobyernong Arroyo. (Ilang-Ilang Quijano)
Mga nagpapahirap
Nagbihis-anyo ang isang pangkulturang grupo para ipakita sa publiko kung sinu-sino ang diumano'y 'nagpapahirap sa masa.' (Ilang-Ilang Quijano)
Kabataang maralita
Pagpapatalsik kay Arroyo ang sigaw ng kabataang ito, isa sa milyun-milyong walang seguridad sa tirahan at salat sa natatanggap na serbisyong panlipunan. (Ilang-Ilang Quijano)
Lehitimong panawagan
Tinutuligsa ng mga maralita ang kabi-kabilang demolisyon dulot ng diumano'y tiwaling mga 'proyektong pangkaunlaran' ng gobyernong Arroyo. (Ilang-Ilang Quijano)
Hapis
Hapis ang mukha ng nagbihis-deboto na ito, dahil sa mahabang paglalakad mula Welcome Rotonda hanggang Morayta Ave., at sa pag-aarte ng simbolikong kalbaryo. (Ilang-Ilang Quijano)
Lumiban sa klase
Mga kabataang estudyante ang kalakhan ng dumalo sa protesta kontra-Arroyo sa Liwasang Bonifacio noong araw ding iyon. (Ilang-Ilang Quijano)
Simboliko
Sa pangunguna ng mga taong-simbahan, nagpalipad ng daan-daang mga lobo ang mga raliyista para ipanawagan sa pangulo na ilahad ang katotohanan hinggil sa NBN-ZTE. (Ilang-Ilang Quijano)
Kasiyahan sa gitna ng 'kasamaan'
Hawak ang mga plakard na tumutuligsa sa 'kasamaan' ni Arroyo, umindak sa musika ng rapper na si Gloc 9 ang mga kabataan. (Ilang-Ilang Quijano)
Arroyo, 'masamang ehemplo'
Umawit ng ang mga batang biktima ng militarisasyon sa probinsya ng Quezon para kutyain ang pagsisinungaling ni Arroyo. 'Buti na lang may Jun Lozada,' ayon sa kantang sariling gawa ng mga bata. (Ilang-Ilang Quijano)










RSS