Lathalain Photo Essays

Photo Essay: Pagbabalik ng Manobo sa Lianga

Agosto 29 ang huling araw ng mga Manobo sa evacuation center sa Tandag, Surigao del Sur. Kumpirmadong napalikas na ang mga militar (sa ngayon, banta pa nila) na nanirahan sa kanilang mga tahanan sa Lianga. Natuwa ang mahigit 1,700 bakwit na Manobo. Iniligpit na ang kanilang mga gamit. Nagluto na ng mababaon. Maaga silang natulog. Handa na silang umuwi.

Tinanggap ng mga Manobo ang kanilang mga bisita sa pamamagitan ng sayaw.

Sabay na pagngiti ng ina at sanggol.

Sabay na pagngiti ng ina at sanggol.

Pagpapalipas-oras ng mga bata bago ang paglalakbay kinabukasan.

Malinis na iniwan ng mga Manobo ang lugar na naging tahanan nila nang dalawang buwan sa Diocesan Pastoral Center sa Tandag. Isa sa pinakahuling sumakay pauwi ang babaing ito at ang kanyang anak.

Halos iluwa ng trak ang nagsisiksikang mga tao sa bawat dumptruck.

Dinaanan ng isang trak ng mga sundalo ang trak ng mga bakwit na Manobo.

Kapit sa malaking kadena ang batang ito.

Nakalinya na ang mga trak, handa nang umalis.

Simula ng biyahe.

Simula ng biyahe.

Nakasandig sa trapal ang mag-amang ito habang rumaragasa ang trak sa kalsada.

Nagsibabaan ang mga residente ng Brgy. Lagdik (Logdeck) sa Lianga matapos di kayanin ng trak na sinasakyan nila na akyatin ang matarik na daan sa bundok.

Pati ang sanggol ng isang ama, isinakay sa trak para hindi na maisama sa paglalakad.

Isa sa mga sinulat ng mga sundalo bago nilisan ang mga bahay: "Ito ang bahay ng aktibo sa NPA."

Naglaro agad ng basketbol ang ilang kabataan.

Sa Brgy. Han-ayan noong gabing iyon, nagsagawa ng ritwal ang mga Manobo bilang pasasalamat sa kanilang matagumpay na pag-uwi at para kontrahin ang mga masasamang "puwersa" na humahadlang sa matiwasay nilang pamumuhay.

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Mga Larawan: Nagsilikas na mga katutubo sa Lianga, Surigao del Sur
  2. Photo Essay: Maralitang itinaboy mula sa riles
  3. Photo Essay: Mata sa mata ang hangad na hustisya
  4. Photo Essay: Pagbawi sa Mendiola
  5. Photo Essay: Pagtaboy sa mga maralita sa isang Tenement Housing sa Tejeros, Makati

Discussion

No comments for “Photo Essay: Pagbabalik ng Manobo sa Lianga”

  1. Posted by Pinoy Weekly | Yaman sa lupa, yaman ng pagkakaisa | September 14, 2009, 5:37 am

Post a comment

Opinyon

PinoyMedia Center pays tribute to Alexander Martin Remollino

PinoyMedia Center, publisher of the progressive newsmagazine Pinoy Weekly, pays the highest tribute to Alexander Martin Remollino who devoted most of his life in the grassroots-based, non-profit media, steadfast in his principles and excellent in his craft.

Read on