Pansamantalang tulong, pangmatagalang laban


Sa ilalim ng pamahalaang hindi nila naasahang sumagip sa kanila sa panahon ng panganib, naipamalas nilang sa kanilang pagkakaisa’y kaya nilang magpunyagi at makaahon. Narito ang mga larawan at dalawang artikulo hinggil sa relief efforts sa Kamaynilaan ng militanteng mga organisasyon matapos ang pagragasa ng bagyong Ondoy.

[kml_flashembed movie=”https://pinoyweekly.org/new/wp-content/slideshows/militant-groups-relief-missions/slideshow.swf” height=”400″ width=”455″ base=”.” /]

*  *  *  *  *  *  *  *  *  *  *

gulod13
Mga obrero't maralitang umaayuda sa kapwa maralita: Ito ang ipinakita ng militanteng mga grupo na nagsagawa ng relief missions sa biktima ng bagyong Ondoy. (Ilang-Ilang Quijano)

Isa sa positibong naipapamalas sa panahon ng kalamidad ngayon ang halaga ng pagkakaisa at pagiging organisado.

Sa mga organisasyon ng mga maralita sa Vitas, Tondo, halimbawa, ang pagkakaisa at pakikisa ay sa porma ng pangangalap ng relief goods na ipamimigay sa mga kapwa maralitang nasalanta. Sa mga unyon sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno, ito ay sa porma ng pangongolekta sa mga miyembro ng pondong pang-ayuda sa mga biktima ng bagyo.

Kaiba sa relief missions ng iba’t ibang sosyo-sibikong organisasyon at maging ng mass media sa mga misyong isinasagawa ng mga organisasyong nakaugat sa ordinaryong mga mamamayan. Ang huli, pinangungunahan ang pag-aayuda ng mismong mga mamamayang nabiktima ng kalamidad.

Sa ilalim ng pamahalaang hindi nila naasahang sumagip sa kanila sa panahon ng panganib, naipamalas nilang sa kanilang pagkakaisa’y kaya nilang magpunyagi at makaahon.

Narito ang dalawang artikulo ng Pinoy Weekly hinggil sa dalawang relief efforts sa Kamaynilaan matapos ang pagragasa ng bagyong Ondoy.

Nasalanta ng Ondoy sa Novaliches: Gulod ang isa’t isa

ni Ilang-Ilang Quijano

Pagsagip sa naaanod na pag-asa

ni Jeffrey Ocampo

Batibot ng pagkakaisa sa gitna ng sigwa

ni Maki Macaspac