Pinoy Weekly

25 Pinay, isang organisasyon: Ang paghawan sa landas ng kababaihan

Kabilang sa 25 kababaihang pinarangalan sa ika-25 anibersaryo ng Gabriela: (mula kaliwa) Kinatawan ni Lydia Canson, Atel Hijos, Lucy Francisco, Vernie Diano, at Rina Amacio. (KR Guda)

Kabilang sa 25 kababaihang pinarangalan sa ika-25 anibersaryo ng Gabriela: (mula kaliwa) Kinatawan ni Lydia Canson, Grace Noval, Atel Hijos, Lucy Francisco, Vernie Diano, at Rina Amacio. (KR Guda)

Kapag binanggit ang pangalang Gabriela, kadalasang unang naiisip ang isang imahen ng palabang babae, mapagmatyag sa kanyang karapatan bilang babae at mamamayan.

Bagamat pangalan din ito ng isang babaing lider-rebolusyonaryo noong panahon ng himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol, mas tumatak ang imahen ng Gabriela na palabang babae dahil sa organisasyong 25 taon nang namumuno sa paglaban ng kababaihan mula sa pang-aabuso, karahasan at panunupil.

Sa isang pagtitipon noong Oktubre 28 sa Amoranto Theater, Quezon City, ginunita ang ika-25 na anibersaryo ng Gabriela. Sa okasyong ito ipinagdiwang ang kasaysayan ng itinuturing nang nangungunang kilusang kababaihan sa bansa.

Kinilala rin sa kauna-unahang pagkakataon ang 25 babaing tagapagtanggol sa kababaihan at bayan. Sa iba’t ibang paraan at sa mahabang panahon, sila ang naghawan ng landas para umusbong at dumami ang mga kagaya nila—mga babaing mulat at lumalaban, hindi lang para sa kanilang sarili, kundi para sa lipunan.

Mga sandali sa kasaysayan

Si Sr. Mary John Mananzan, chair emeritus ng Gabriela. (KR Guda)

Si Sr. Mary John Mananzan, chair emeritus ng Gabriela. (KR Guda)

Matayog na noon pa man ang mithiin ng Gabriela, na itinayo noong Marso 11, 1984 o kasagsagan ng batas militar. “Itinayo namin ito hindi bilang isang simpleng peministang organisasyon, kundi sa konteksto ng komprehensibong pagpapalaya ng lipunan,” sabi sa Pinoy Weekly ni Sr. Mary John Mananzan, lider-simbahan na naging tagapangulo ng grupo mula 1986 hanggang 2004.

Seryoso ang tungkulin noon na mapabagsak ang diktadurang Marcos, at kalampagin naman ang sumunod na administrasyon para sa batayang mga reporma. Pero puno rin ito ng masasayang sandali.

Kuwento ni Mananzan, naaalala niya ang isang kilos-protesta sa harap ng Mendiola, kung saan inangat at itinabi nila ang iniharang na barbed wire ng pulisya. Hindi na niya maalala ang ispesipikong isyung kanilang bitbit noon—marami silang tinututulan, mula sa baseng militar ng US hanggang sa Bataan Nuclear Power Plant. “Basta’t ang naaalala ko, nakatutuwa ang kagitingan ng kababaihan kapag nagsama-sama,” aniya.

Ginagamit din nila noon sa kanilang bentahe ang mga katangiang ikinakabit sa mga babae. Nang harangin sila isang beses sa martsa patungo sa embahada ng US, sabi ni Mananzan sa pulisya, “Let us pass or we will talk here forever.” Sa huli, hinayaan silang makaraan, aniya.

Ikinararangal ng naunang mga lider ng Gabriela ang umano’y mga “buhay-at-kamatayan” na mga pakikibaka ng grupo. “Nag-iiyakan kami noon tuwing may nawawala sa aming hanay pagkatapos ng isang rali,” sabi ni Petite Perredo, naging pangakalahatang kalihim ng Gabriela ng 12 taon. Laganap noong batas militar ang pagdukot sa mga aktibista sa lansangan.

“Kami noon ang darlings of the press, kasi laging nasa mga aktibidad sina Nelia Sancho at Maita Gomez. Sikat na sikat noon ang aming street plays, ” sabi naman ni Fe Arriola, dati ring pangkalahatang kalihim ng grupo. Kilalang mga beauty queen noong dekada ’80 sina Gomez at Sancho na naging mga lider ng kilusang kababaihan.

Retirado na ngayon sina Arriola at Perredo, bagaman nananatiling masugid na tagasuporta pa rin sila ng Gabriela.

1 2 3

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=4838

Posted by on Nov 5 2009. Filed under Lathalain. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Pulsong Pinoy

Naniniwala ka ba na hindi kaya ibigay ng mga employer ang P125 dagdag-sahod?

View Results

Loading ... Loading ...

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes