Balita: Kababaihan nagprotesta laban sa pagtaas ng presyo ng bigas

PROTESTA NG KABABAIHANG MAGSASAKA. Nagprotesta sa harap ng Department of Agriculture noong Enero 18 ang mga kababaihang magsasaka sa ilalim ng Bantay Bigas laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.Sa kabilang banda, murang-murang naman anila, ang presyo ng palay na binibili sa mga magsasaka.

Nagpahayag rin ng pakikiisa ang mga kababaihang magsasaka sa isinasagawang “Pambansang Lakbayan ng Anakpawis Para sa Lupa at Katarungan” ng mga magsasaka sa buong bansa. Ang lakbayan ay pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas bilang bahagi ng paggunita sa ika-23 anibersaryo ng Mendiola Massacre. (Soliman A. Santos)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5781













