Pinoy Weekly

Mga larawan: Pagdating sa Visayas ng mga ‘Lakbayani’

Tumawid ang mga magsasaka mula Mindanao, kabilang ang Lumad na ito, patungong Visayas noong Enero 14, ikatlong araw ng Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan. (King Catoy/May Day Productions)

Kabilang ang Lumad na ito sa mga magsasaka na tumawid mula Mindanao patungong Visayas noong Enero 14, ikatlong araw ng Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan. (King Catoy/May Day Productions)

May 44 magsasaka ang sumakay sa isang ferry mula sa Lipata Port, Surigao City. Maalon ang dagat dahil sa masamang lagay ng panahon. Nakarating sila sa Liloan, Southern Leyte bandang alas-11 ng umaga. (King Catoy/May Day Productions)

Panawagan ng mga magsasaka ang tunay na reporma sa lupa. Target nilang makarating sa Mendiola Bridge sa Maynila sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)

Binisita ng mga lider-magsasaka sa Ormoc City Jail ang detenidong pultikal na si Vincent "Bebot" Borja (pinaka-kanan), coordinator ng Anakpawis-Eastern Visayas, na inaresto noong 2007 at sinampahan ng umano'y "gawa-gawang" kasong murder. (King Catoy/May Day Productions)

Binisita ng mga lider-magsasaka sa Ormoc City Jail ang detenidong pultikal na si Vincent "Bebot" Borja (pinaka-kanan), coordinator ng Anakpawis-Eastern Visayas. Inaresto si Borja noong 2007 at sinampahan ng murder, na umano'y kasong gawa-gawa lamang ng gobyerno. (King Catoy/May Day Productions)

Nagpiket sa harap ng opisina ng Department of Agrarian Reform sa Tacloban City ang mga magsasaka. (King Catoy/ May Day Productions)

Nagpiket ang mga Lakbayani sa harap ng opisina ng Department of Agrarian Reform sa Tacloban City, kung saan sinalubong sila ng 100 magsasaka mula sa iba't ibang probinsya sa Visayas. (King Catoy/May Day Productions)

Nagsalita sa harap ng DAR si Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. (King Catoy/May Day Productions)

Nagsalita sa harap ng DAR si Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. (King Catoy/May Day Productions)

Bago makarating sa Calbayog, hinarang ang karaban sa tsekpoint ng pulisya. Umakyat sa bus ang ilang mga pulis na may mahahabang armas, na kinondena naman ng mga mga magsasaka. Pero pinayagan din silang makalampas. Pagdating sa Calbayog, Samar, sinalubong sila ng 150 pang magsasaka mula sa Eastern Visayas. (King Catoy/May Day Productions)

Bago makarating sa Calbayog, hinarang ang karaban ng tsekpoint ng pulisya. Umakyat sa bus ang ilang mga pulis na may mahahabang armas, na kinondena naman ng mga mga magsasaka. Pinayagan din silang makalampas. Pagdating sa Calbayog, Samar, sinalubong sila ng 150 pang magsasaka mula sa Eastern Visayas. (King Catoy/May Day Productions)

Sa Calbayog nagpahinga ang mga magsasaka. Nagkaroon ng mga pangkulturang pagtatanghal na nagpapakita sa sitwasyon ng mga magsasaka. Pinangunahan ito ng grupong Teatro Obrero, na nagmula pa sa Negros City. (King Catoy/May Day Productions)

Sa Calbayog nagpahinga ang mga magsasaka. Nagkaroon ng mga pangkulturang pagtatanghal hinggil sa sitwasyon ng mga magsasaka. Pinangunahan ito ng Teatro Obrero, isang grupo mula sa Negros City. (King Catoy/May Day Productions)

Militante ang diwa ng mga magsasaka sa pagtatapos ng gabi. (King Catoy/May Day Productions)

Militante ang diwa ng mga magsasaka sa pagtatapos ng gabi. (King Catoy/May Day Productions)

email

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=5721

Kontribusyon Posted by on Jan 15 2010. Filed under Balita, Multimedia. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Follow and Subscribe

Features

Multimedia

Eskinita: Ang Alternatibong Ruta

Loading Twine Social
Log in | Designed by Gabfire themes