Balita Multimedia Photo Essays

Mga larawan: Pagtulak mula Mindanao ng mga magsasaka, sa unang 2 araw ng Pambansang Lakbayan

Inanunsiyo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Anakpawis Party-list ang simula noong Enero 22 ang 10-araw na karaban ng mga magsasaka, na pinamagatang Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan. Paliwanag ni Pedro Armado ng Anakpawis-Southern Mindanao Region (itaas), layon ng nilang makarating sa Mendiola sa Maynila sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)

Inanunsiyo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Anakpawis Party-list ang simula noong Enero 22 ang 10-araw na karaban ng mga magsasaka, na pinamagatang Pambansang Lakbayan para sa Lupa at Katarungan. Paliwanag ni Pedro Armado ng Anakpawis-Southern Mindanao Region (itaas), layon nilang makarating sa Mendiola Bridge sa Maynila sa Enero 22, ika-23 na anibersaryo ng Mendiola Massacre. (King Catoy/May Day Productions)

Nagtipun-tipon sa Freedom Park sa Davao City ang mga magsasaka at kanilang mga tagasuporta. Kabilang sa kanilang mga panawagan ang pagbasura sa batas na Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o Carper. (King Catoy/May Day Productions)

Ayon kay Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng KMP, nabigo ang CARP na ipamahagi ang lupa sa kalakhan ng mga magsasaka. (King Catoy/May Day Productions)

Ayon kay Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng KMP, nabigo ang CARP na ipamahagi ang lupa sa kalakhan ng mga magsasaka. (King Catoy/May Day Productions)

Mula sa Freedom Park, nagtungo ang mahigit-kumulang 500 katao sa bahay ni House Espiker Prospero Nograles, bitbit ang mga sulo. Ibinuhay ni Nograles ang panukalang Charter Change, na tinututulan ng mga magsasaka dahil papayagan nito ang ibayong dayuhang pagmamay-ari ng lupa. (King Catoy/May Day Productions)

Mula sa Freedom Park, nagtungo ang mahigit-kumulang 500 katao sa bahay ni House Espiker Prospero Nograles, bitbit ang mga sulo. Binuhay ni Nograles ang panukalang Charter Change, na tinututulan ng mga magsasaka dahil papayagan umano nito ang ibayong dayuhang pagmamay-ari ng lupa. (King Catoy/May Day Productions)

Sinunog ng mga magsasaka ang kopya ng Carper sa harap ng bahay ni Nograles. (King Catoy/May Day Productions)

Sinunog ng mga magsasaka ang kopya ng Carper sa harap ng bahay ni Nograles. (King Catoy/May Day Productions)

Bandang alas-singko ng madaling araw noong Enero 13, tumulak mula Davao City ang tinataguriang mga "lakbayani," patungo sa Butuan City, Surigao del Sur. (King Catoy/May Day Productions)

Bandang alas-singko ng madaling araw noong Enero 13, tumulak mula Davao City ang tinataguriang mga "lakbayani," patungo sa Butuan City, Surigao del Sur. (King Catoy/May Day Productions)

Sa tsekpoint sa Butuan City, kinuha ng pulisya ang mga plate no. ng 26 na dyip at trak na kalahok sa karaban. (King Catoy/May Day Productions)

Sa tsekpoint sa Butuan City, kinuha ng pulisya ang mga plate no. ng 26 na dyip at trak na kalahok sa karaban. (King Catoy/May Day Productions)

Habang naglalakbay, di alintana ng mga "lakbayani" ang init ng sikat ng araw. Nagdaos ng press conference at maikling programa sa Butuan City, kung saan tinagpo rin sila ng mahigit 100 pang magsasaka. Inaasahang makakarating sa Surigao City ang karaban ngayong hapon. (King Catoy/May Day Productions)

Habang naglalakbay, di alintana ng mga "lakbayani" ang init ng sikat ng araw. Nagdaos ng press conference at maikling programa sa Butuan City, kung saan tinagpo sila ng mahigit 100 pang magsasaka. Inaasahang makakarating sa Surigao City ang karaban ngayong hapon, para salubungin ng mga magsasakang nagmula sa Cagayan de Oro City. (King Catoy/May Day Productions)

  • Share/Bookmark

Related posts:

  1. Mga larawan: Papaigting na panghaharas sa Pambansang Lakbayan
  2. Mga larawan: Mahabang martsa ng magsasaka, mula Calamba hanggang Baclaran
  3. Mga larawan: Paglapit ng Lakbayan sa Maynila, sa kabila ng panghaharang
  4. Mga Larawan: Makasaysayang martsa ng mga magsasaka mula Mindanao, Hilagang Luzon tungong Mendiola
  5. Makasaysayang 10-araw na pambansang karaban ng magsasaka, ikinasa

Discussion

One comment for “Mga larawan: Pagtulak mula Mindanao ng mga magsasaka, sa unang 2 araw ng Pambansang Lakbayan”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by makabayan coalition and rafael antonio dulce, pia montalban. pia montalban said: RT @antondulce: Pictures of 1st 2 days of Mindanao leg of historical #Lakbayan against #chacha and #carper http://ping.fm/W5rUe [...]

    Posted by Tweets that mention Pinoy Weekly | Mga larawan: Pagtulak mula Mindanao ng mga magsasaka, sa unang 2 araw ng Pambansang Lakbayan -- Topsy.com | January 14, 2010, 1:32 pm

Post a comment

Opinyon

Neoliberalism Reloaded

(1) Sa hanay ng mga kapanalig ni Presidente Noynoy Aquino, may isang paraan para mapag-iba ang mga sagad-sagarin sa mga kahit paano’y kritikal kung magsuri, iyung may katapatan pangunahin sa pangulo at iyung pangunahin sa bayan: Paano nila hinuhusgahan ang unang State of the Nation Address ni Noynoy? Kung puro papuri, nakahanay sila sa nauna; kung kahit paano’y may papitik-pitik na pagpuna, sa ikalawa.

Read on