Larawan: Bayan lumahok sa pandaigdigang protesta sa giyera ng US sa Iraq at Afghanistan

Nagmartsa papunta sa embahada ng Estados Unidos sa Kalaw Ave., Maynila, ang Bagong Alyansang Makabayan noong Marso 20, anibersaryo ng panlulusob ng US sa Iraq. Lumahok ang grupo sa pandaigdigang protesta laban sa patuloy na giyerang agresyon ng US sa Iraq at Afghanistan sa ilalim ng pamunuan ni US Pres. Barack Obama. Tinututulan din nila ang presensiya ng mga tropang Kano sa Pilipinas, at hinamon ang presidentiables sa tumindig para sa pambansang kasarinlan. (Richard Reyes)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=6685













