Pages: 1 2 3 Next page »

Mahigit 5,000 kababaihan sa pangunguna ng Gabriela ang nagmartsa mula sa magkakahiwalay na lugar patungong Welcome Rotonda at sa Mendiola Bridge sa Maynila para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng Kababihan. Ginunita nila ito sa pamamagitan ng protesta kontra sa gobyernong Arroyo. (King Catoy)

Nag-alay ng bulaklak ang kandidato sa pagkasenador ng Makabayan at Nacionalista Party na si Satur Ocampo sa kababaihan sa martsa bilang pagkilala sa ipinaglalaban nila. (Ilang-Ilang D. Quijano)

Kabilang ang mga manggagawang kababaihan sa kalahok sa martsa ng Gabriela. Hiling nila na wakasan ang mga polisiya ng globalisasyon na nakakapinsala diumano sa mga manggagawa. (King Catoy)

Nakiisa sa protesta ang mga kandidato sa pagkasenador ng Nacionalista Party (mula kaliwa) na sina Gilbert Remulla, Pia Cayetano, kandidato sa pagka-bise-presidente na si Loren Legarda, Liza Maza ng Gabriela, at Atty. Adel Tamano. (Ilang-Ilang Quijano)

Bitbit ng mga miyembro ng Migrante International ang mga panawagan ng mga Overseas Filipino Workers, kabilang na ang pagbasura sa labor export policy. (Ilang-Ilang Quijano)
Pages: 1 2 3 Next page »
Related posts:
Discussion
No comments for “Mga Larawan: Maalab na protesta ng Gabriela, sa sentenaryo ng Marso 8”
Post a comment