Mga Larawan: Senatoriables sa iba’t ibang partido, inindorso ng mga militanteng grupo

Inihayag ni Liberal Party presidential candidate Ruffy Biazon ang suporta sa mga ipinaglalaban ng militanteng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan, League of Filipino Students, at National Union of Students of the Philippines. Maliban kay Biazon, nagpahayag din ng suporta sa laban ng militanteng kabataan ang mga kandidato sa pagkasenador na sina Adel Tamano, Gwen Pimentel, Satur Ocampo, Liza Maza, Silvestre Bello III, Apolinario Lozada, at Gilbert Remulla. (KR Guda)
Inihayag ni Liberal Party senatorial candidate Ruffy Biazon ang suporta sa mga ipinaglalaban ng militanteng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan, League of Filipino Students, at National Union of Students of the Philippines. Maliban kay Biazon, nagpahayag din ng suporta para sa militanteng kabataan ang mga kandidato sa pagkasenador na sina Adel Tamano (Nacionalista Party), Gwen Pimentel (NP), Satur Ocampo (NP-Makabayan), Liza Maza (NP-Makabayan), Silvestre Bello III (Lakas-CMD), Apolinario Lozada (Pwersa ng Masang Pilipino), at Gilbert Remulla (NP). Nakiisa rin ang kinatawan ni Sen. Loren Legarda na kandidato sa pagka-bise presidente. (KR Guda)
Inindorso naman ng alyansang pangkababaihan na Gabriela ang kandidato sa pagkasenador na si Atty. Gwen Pimentel dahil umano sa adbokasiya niya sa karapatan ng kababaihan, bata, at sa opisisyonistang paninindigan niya at ng ama niyang si Sen. Aquilino Pimentel Jr. (KR Guda)