Taga-usig ng DOJ na nagprotesta sa pagpapalaya sa dalawang Ampatuan, pinuri ng NUJP


Pinuri ng National Union of Journalists of the Philippines ang pagprotesta ng mga pampublikong taga-usig (public prosecutors) sa utos ni Acting Justice Sec. Alberto Agra na inaabsuwelto sina Zaldy at Akmad Ampatuan sa pagkakasangkot sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009. Ang pagprotesta sa utos ni Agra ang tanging “marangal” na hakbang para […]

Mga mamamahayag na nananawagan ng hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao. (Darius Galang/PW File Photo)
Mga mamamahayag na nananawagan ng hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Ampatuan, Maguindanao. (Darius Galang/PW File Photo)

Pinuri ng National Union of Journalists of the Philippines ang pagprotesta ng mga pampublikong taga-usig (public prosecutors) sa utos ni Acting Justice Sec. Alberto Agra na inaabsuwelto sina Zaldy at Akmad Ampatuan sa pagkakasangkot sa masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009.

Ang pagprotesta sa utos ni Agra ang tanging “marangal” na hakbang para kay Chief State Prosecutor Claro Arellano at iba pang tagausig, ayon sa NUJP.

Nag-alala umano ang mga tagausig na makukumbinsi ng utos ang matagal-nang nangdududang publiko na walang saysay ang sistema ng hustisya ng bansa kung ang akusado ay makapangyarihan.

Indeed, skeptical is an understatement when it comes to the government’s dismal record of dispensing justice. If anything, Agra’s scandalous resolution was not unexpected. What was unexpected, was the suddenness and the brazenness with which it was issued,” ayon pa sa NUJP.

Lalo pang nakapagpaalala sa mga tagausig na inilabas ang resolusyon ni Agra isang araw lamang matapos kausapin niya ang mga kaanak ng mga biktima. Sinabi umano ni Agra sa naturang pulong na hindi pa niya nadidisyunan ang petisyon ni Zaldy Ampatuan.

Sinabi pa ng grupo ng mga mamamahayag na malamang na hindi kumilos si Agra nang walang utos mula sa kanyang superyor na si Pang. Arroyo.

Para naman sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), malinaw umano itong indikasyon na maaaring pinangangalagaan pa rin ni Arroyo ang alyansa sa pamilya Ampatuan para muling masiguro ng huli ang pagwagi ng mga kandidato ng administrasyon sa susunod na halalan.

Why the country has reached this point is clear: Gloria Macapagal Arroyo has demonstrated time and again that no method is too mean and no tactic too low for her to use in her drive to remain in power, and that includes committing the worst travesties against the very institutions—whether the police, the military or the justice system—that sustain State power,” pahayag ng CMFR.

Sang-ayon dito si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, na nagsabing maaaring naghahanda ang mga Arroyo at Ampatuan na muling dayain ang halalan. “How can justice be served if this government keeps rewarding, instead of making accountable, those accused of heinous crimes just because they are allied with the Arroyos?” sabi pa ni Casiño.

Sinabi pa naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nakakaalarma na si Agra mismo ang kusang umutos na ibasura ang kaso laban sa dalawang Ampatuan. “The Ampatuans’ lawyers ought to be the ones filing the motions to dismiss. It’s not Arroyo’s nor Sec. Agra’s job to do the lawyering for nor adjudge the Ampatuans’ innocence,” aniya.

Inihayag naman ng NUJP na gugunitain ng mga mamamahayag sa alas-sais ng gabi ng Abril 23 sa Mendiola Bridge ang ika-limang buwan matapos ang masaker sa Ampatuan, Maguindanao. Sa naturang paggunita, ipoprotesta ng mga mamamahayag ang tila pagmamaniobra ng administrasyong Arroyo para mapawalang-sala ang mga kaalyadong pamilyang Ampatuan.

Umabot sa 57 sibilyan, kabilang ang 32 mamamahayag, ang pinaslang ng pinaghihinalaang mga armadong tauhan ng pamilyang Amaptuan noong Nobyembre 23, 2009. Ang mga sibilyan ay nakasakay sa konboy ng mga sasakyan na patungong Shariff Aguak, Maguindanao para maghain ng certificate of candidacy ng kandidato sa pagkagobernador ng Maguindanao na si Toto Mangudadatu, kalaban ni Andal Ampatuan Jr.

Ito ang sinasabing pinakamalupit na kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag sa buong mundo, at kaso ng karahasang may kaugnayan sa halalan sa bansa.