Mga Larawan: Simula ng fasting para sa paglipat ng Morong 43 mula sa Kampo Capinpin

Mga detinidong manggagawang pangkalusugan, sa pagdinig sa Morong Regional Trial Court, hinggil sa petisyong ilipat silang Morong 43 mula Kampo Capinpin, Tanay, Rizal tungong kustodiya ng Philippine National Police. Kuha ng National Union of Peoples' Lawyers.

Tanging crackers, lugaw at tubig ang maaaring kainin at inumin ng mga kaanak at tagasuporta ng Morong 43 na nagsasagawa ng fasting para malipat na ang mga manggagawang pangkalusugan sa kustodiya ng pulisya. (KR Guda)

Kinuhanan ng blood pressure ang isa sa mga tagasuporta ng Morong 43 na nagsasagawa ng fasting. (KR Guda)

Isang programa ang isinagawa ng mga kaanak at tagasuporta ng Morong 43 bilang pagsisimula ng fasting sa Bantayog ng mga Bayani para mailipat ng kustodiya mula Philippine Army sa Kampo Capinpin tungong PNP. (Kontribusyon)
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=7048














sana mabigyan ng hustisya ang mga morong 43! lando ng LBC