Pinoy Weekly

Libu-libong OFW umalma sa presyo ng e-passport

Umabot sa mahigit 10,000 OFW sa Hong Kong ang pumirma ng petisyon para pababain ang presyo ng e-passport. (Contributed Photo)

Umabot sa mahigit 10,000 OFW sa Hong Kong ang pumirma ng petisyon para pababain ang presyo ng e-passport. (Contributed Photo)

Mahigit 10,000 migranteng Pilipino sa Hong Kong ang pumirma ng isang petisyon para igiit sa bagong administrasyong Aquino na babaan ang singil sa e-passport na umano’y overpriced.

Isinumite ngayon ng mga grupong United Filipinos in Hong Kong (Unifil-HK) at Gabriela- Hong Kong sa Philippine Consulate General ang petisyon, isang araw bago manumpa si Benigno “Noynoy” Aquino III bilang bagong pangulo ng bansa.

Ayon kay Dolores Balladres, tagapagsalita ng Unifil-HK, simula noong Abril ay kailangang magbayad ng mga OFW ng HK$510 para sa e-passport, mas mataas kaysa sa HK$425 na dati nilang ibinabayad para sa machine-readable passport.

Umano’y tatlong beses na mas mataas ang presyo ng e-passport para sa mga OFW sa Hong Kong kaysa sa ordinaryong mga passport sa Pilipinas.

“There is no justifiable reason why passports for OFWs should be overpriced,”
aniya.

Sinabi ng grupo na isa itong porma ng “pangingikil” ng gobyerno sa mga migranteng Pilipino, na noon pa man ay kumita na ng milyun-milyong dolyar para sa mga overpriced na passport.

Ikinumpara ni Balladres ang presyo ng kanilang passport sa passport ng mga migranteng Indonesian na nagkakahalaga lamang na HK$58.

Sinimulan ng Unifil-HK ang petisyon noong Mayo, at sinabing iyon lamang ang unang bugso kanilang kampanya para igiit kay Aquino na pababain ang presyo ng e-passport.

“[He] must undo the policy and practice of extortion that his predecessor has perfected,” ani Balladres.

Kabilang ang pagtanggal sa umano’y di-makatarungang mga singil sa mga OFW sa 10-puntong adyenda na kanilang ipaglalaban sa unang 100 araw ni Aquino.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8004

Posted by on Jun 29 2010. Filed under OFW. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes