E-passport: Anomalyang ngayon pinagbabayaran

Pinasimulan ng administrasyong Arroyo ang "pagmomodernisa" raw ng pasaporte ng bansa. Matagal nang inirereklamo ng mga migrante ang maanomalyang proyekto, pero ipinagpatuloy pa rin ng kasalukuyang administrasyon.
Bago umuwi ng Pilipinas si Siony Tarzar, isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Taiwan, sinubukan niyang ipa-renew ang kanyang pasaporte na malapit nang mag-expire. Umatras siya nang malamang nagkakahalaga ito ng NTD 2,000 (katumbas ng halos P2,800). Payo sa kanya ng mga grupong migrante, sa Pilipinas na lamang siya magpa-renew ng pasaporte nang sa gayon ay makamura.
Pagdating sa bansa, nalaman ni Siony na iba na ang sistema sa pagpapa-renew ng pasaporte, na ngayo’y tinatawag na e-passport dahil sa ilang modernisadong katangian. Dati-rati, pumipila siya sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinasagutan ang application form, nagbabayad, at saka maghihintay ng hindi lalampas ng 15 araw bago makuha ang pasaporte. Ngayon, kailangang magpa-iskedyul muna ng appointment sa website ng DFA, ipa-print ang application form, at saka pa lamang makakapunta sa petsa at oras ng appointment.
Kadalasan, ayon sa karanasan ng mga nakakuha na ng e-passport, matatagal ang petsa ng appointment na ibinibigay ng DFA—umaabot ng dalawang buwan o higit pa ang paghihintay. May mga ulat din na hindi naibibigay ang e-passport sa loob ng 10 hanggang 20 araw gaya ng ipinapangako ng DFA.
“’Yung sa kapatid ko, dalawang buwan bago nai-release. Napakataas na ng singil, napakabagal pa ng proseso,” ani Siony sa panayam ng Pinoy Weekly. Nagkakahalagang P950 (ordinary) hanggang P1,250 (rush) ang e-passport, mas mataas sa dating P550 hanggang P750.

Si Pang. Arroyo at DFA Sec. Alberto Romulo, noong iprinisinta sa publiko ang "e-passport." Muling itinalaga ni Pang. Aquino si Romulo sa DFA.
Dagsa ang reklamo
Nagsisimula nang dumagsa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang mga reklamo ng mga OFW laban sa matataas na singil sa e-passport na ipinatupad ngayong taon, ayon sa grupong Migrante International.
Ayon sa DFA, nasa uniform rate na USD 50 (katumbas ng halos P2,250) ang singil sa pag-aplay ng e-passport mula sa ibang bansa. Pero kung pagbabatayan ang mga ulat na nakalap ng Migrante mula sa iba’t ibang tsapter nito, lumalabas na higit pa rito ang sinisingil sa mga migranteng Pilipino. Sa Estados Unidos, halimbawa, umaabot ito ng USD 135 o katumbas ng halos P6,075.
| Bansa | Petsang ipinatupad | Singil sa machine-readable passport | Singil sa e-passport |
| Pilipinas | 2010 | P550 – P750 | P950 – P1,200 |
| Kingdom of Saudi Arabia | Hunyo 2010 | Saudi Riyal 200
(halos P2,400) |
SR 240
(halos P2,800) |
| Estados Unidos | Hulyo 2010 | US Dollar 100
(halos P4,500) |
USD 135
(halos P6,075) |
| Hong Kong | Hulyo 2010 | 36 pounds
(halos P2,500) |
43 pounds
(halos P3,000) |
| Australia | Hulyo 2010 | Australian Dollar 90
(halos P3,700) |
AUD 124
(halos P,5000) |
| Taiwan | Hunyo 2010 | New Taiwan Dollar 1,900
(halos P2,260) |
NTD 2,000
(halos P2,800) |
1 2
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8473














Maaari bang paki-confirm kung US$100-135 ang new passport application galing sa US? Kakapa-renew ko lang this year (sa NY) at ang binayad ko lang $60, at sa pagkaka-alam ko, $60 rin ang application ng bagong passport (di ko lang sure kung iba ang singil ng Machine Readable sa ePassport). http://www.pcgny.net/2009/passport.html
Baka ang tinutukoy nyo na $135 ay cost ng US Passport na parehas lang ang cost maski mag-apply ka sa US or abroad. Incidentally, nung nag-apply dati ang 2yr old anak ko ng US passport, aabutin rin daw ng 6-8weeks bago ma-proseso ang application, kaya nagpa-expedite kami para matapos nang 2weeks (I remember paying an additional $50)
Nakapag-parenew rin ako dati ng Phil passport sa TWN (5yrs ago), at ang binayad ko katumbas ng US$50 nung panahong iyon–around 4x ng singil sa atin. So naniniwala akong around $50-$100 nga ang presyo ng [hil passport sa ibang bansa…so, big deal! at least di na kailangang maghintay, pumila sa init, etc. pwede pang ipa-mail na lang sa address mo after mo mag-personal appearance.
Sa aking palagay, ang cost ng passport renewals/application sa ibang bansa ay tama lang. Kung sakaling mas mahal nga, ayos lang sa akin kasi iniisip ko na lng na mahal ang shipping ng passports galing sa Pinas, at baka nakakatulong pa akong ma-offset ang cost ng passport ng ibang nag-apply mula sa Pilipinas. Base rin sa epassports ng ibang bansa, ang presyong kulang-kulang US$25 ay sobrang mura na (granted na walang ‘parity’ sa purchasing power ng simpleng mamamayang Pilipino). Magkano ba sa tingin ninyo ang cost ng paggawa ng epassport?
[...] more on Pinoy Weekly Share and [...]