Pinoy Weekly

Symbolic Distance

Naalala ko nung 2005 at 2006, panahon ng buung-buong ipinatutupad ang CPR (Calibrated Preemptive Response) ni Gloria. Bawat rally basta’t malapit sa Mendiola ay uupakan ng pulis. Sa bawat rally siguradong may mahuhuli ng pulis, maraming masasaktan, maraming mawawalan ng tsinelas at iba pang gamit dahil sa tulakan at takbuhan. Kapag marami ang ralyista at kayang pigilan ang pulis, siguradong paliluguan ka ng madumi at malakas na tubig mula sa fire truck.

Pero kahit ganun, hindi itinataboy ang protesta na kasabay ng bawat State of the Nation Address ni Gloria. Kahit ang mga rally sa tapat ng pribadong tahanan ng mga Arroyo sa La Vista ay hindi dinadahas.

Pero ibang iba ang bagong administrasyon. Idineklara nito na bawal na ang mga rally at piket sa tapat ng pribadong tahanan ni Aquino sa Times St. Sa harap ng pahayag ng Commission on Human Rights na tama lang makapag-rally sa tapat ng Batasan sa araw ng SONA ni Noynoy, ang sinabi ng hari ay sa Quezon Memorial Circle na lang daw. Sa ikatlong araw pa nga lang ng kanyang kaharian, itinaboy nito ang mga magsasakang nakakampo sa paanan ng Mendiola.

Symbolic distance” ang tawag dito ng Bagong Alyansang Makabayan. Ang aktuwal na layo ng rally sa SONA kay Noynoy ay maaaring katulad rin ng layo niya sa karaniwang Pilipino. Kung sabagay: makakapasok ba ang karaniwang Pilipino sa Batasan para makinig sa kanya? At tanong lang: sa kahit anong beses na may pumuntang ‘karaniwang Pilipino’ sa Times, lumabas ba si Noynoy, imbes na mga tauhan niya, para tanggapin ang kanilang hinaing?

Andyan rin ’yung usapin ng 10,000 pulis na magbabantay sa SONA. Maiintindihan mo kung bakit ganun karami ang kailangan ni Gloria: siya ang pinaka-kinamumuhiang pangulo sa kasaysayan ng ating bansa. Wala siyang kakampi mula sa hanay ng sambayanang Pilipino.

E si Noynoy? Hindi pa siya nakaka-isang buwan sa puwesto. Bakit ang asal niya ay tulad sa asal ng pangulong napapaligiran ng kaaway?

Naghahanda na si Noynoy. Labas sa iilang naliligaw na mabuting elemento sa loob ng kanyang gobyerno, walang balak tugunan ng bagong rehimen ang mga problema ng mamamayan. Kawalan ng edukasyon ng maraming kabataan, patuloy na paglabag sa karapatang pantao, kawalan ng lupa ng mga magsasaka, malawak na kahirapan. Naghahanda na sila sa mga protesta ng publikong galit sa kanyang mga nabigong pangako, bagay na malamang ay magiging simbolo ng kanyang panunungkulan.

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8381

Posted by on Jul 24 2010. Filed under (Kolum), Sugod mga Kapatid. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes