Sugod mga Kapatid

Selective Issues

Noong una, tumatalsik ang laway ng mga taga-Akbayan sa pag-aalipusta kay Sison at sa CPP (Communist Party of the Philippines) bilang mga "tuta ng Tsina" at "maingay lamang laban sa US." Ngayong nagsalita na si Sison, bakit galit pa rin ang Akbayan?

One Day Millionaires

Kung ang isa sa mga kabataan ng Brgy. Manga, Capas, Tarlac ay makakapasa man sa entrance exam ng Unibersidad ng Pilipinas, tila higit pa sa Mt. Arayat ang kailangan niyang tahakin para lamang makapasok dito.

BBB

Bugbog, bato, at basa: ito ang sumalubong sa mga estudyante, kabataan, guro, kababaihan, manggagawang pangkalusugan, migrante, at maralitang lungsod na nagmartsa papuntang Kongreso nung nakaraang Augusto 25. Nananawagan sila laban sa isang 'B' (budget cut sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan) subalit ang binanggit na tatlong 'B' ang ibinigay sa kanila.

Much ado about the STFAP

Para sa 'di nakakaalam, ang STFAP (Socialized Tuition and Financial Assistance Program) ay sistema sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan ginu-grupo ang mga estudyante batay umano sa kanilang katayuan sa buhay at pinagbabayad ng iba't ibang antas ng matrikula. Nakabatay ito sa prinsipyo na 'mayamang estudyante' ang dapat magbayad (o mag-subsidyo) para sa kanyang mas mahirap na kapwa.

Oh, how the mighty have fallen!

Ang imahen ni Gloria Arroyo, bilang nagtatago sa likod ng mga sundalo at pulis tuwing lumalabas siya ng Palasyo sa takot sa dami ng mga mamamayan na nagpoprotesta laban sa kanya, ay imahen rin ni Noynoy Aquino kanina. Di pa isang taon mula ng manalo siyang Pangulo ng bansa dahil sa pagtatanggal sa kanya bilang "kampiyon ng mga mamamayan," takot na takot siya sa bulong man lang o anino ng sambayanang ipagtatanggol niya DAW.

Binibining Proletaryo

Hindi man ako nanood ng Binibining Pilipinas, para narin akong nanood dahil ang Facebook friends ko ay nagbibigay ng halos live na update sa mga nangyayari. At siyempre, marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Shamcey Supsup, ang nagtapos ng summa cum laude sa Kolehiyo ng Arkitektura sa Unibersidad ng Pilipinas. Beauty AND brains, ang tawag nila.

Para kanino ka bumabangon?

Si Karen ay nagtatrabaho noon sa isang fast food restaurant, at ngayon sa call center, para matapos niya ang pag-aaral niya sa isang state university dito sa Metro Manila. Bagamat may business ang kanyang ama, hindi ito nakasasapat, kahit na ang kapatid niya ay nag-aaral sa PUP (Polytechnic University of the Philippines) para makatipid. Ibang […]

Masyadong Mataas

Pansinin ang irony ng pahayag na ito: Nakadepende ang kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino sa pananatiling mababa ng mga sahod sa bansa.