Sugod mga Kapatid

Dead Generation Walking

Makipag-patintero sa Tomahawk missiles. Mabuhay ng isang taon na halos walang kinakain habang binubugbog. Tumira malapit sa isang plantang nukleyar na dumadanas ng 'meltdown'. Pumayag maging 'drug mule' sa isang bansa na hindi kilala sa pagrespeto sa mga karapatang pantao. Parang bagong palabas sa TV, pinagsamang 'Survivor' at 'Fear Factor' at 'MTV Jackass'.

Hukbo ng Bayan?

Ang sarap siguro magtrabaho sa Public Information Office ng AFP ano? Isipin mo, sinusuwelduhan at sinasaluduhan ka para lamang magsulat at magsalita ng kabaliktaran ng katotohanan:

Babay, Big Three!

Naninindigan ang mga progresibo na tama ang kanilang pagsusuri na "overpriced" ang presyo ng mga produktong petrolyo. Dapat lang hamunin ang kartel ng langis, at ang mga tagasuporta nila: Kung hindi totoo ang "overpricing," hindi kayo matatakot bigyan ng kapangyarihan ang gobyerno na usisain ang bawat pagtataas n'yo at pigilan kung totoo ang mga ito.

P9.50

Ang pinakaramdam ng mga estudyante na epekto ng oil price hikes ay ang pagtaas ng pamasahe. Bagama’t nagtaas na nung Enero ng P1.00, nananawagan uli ang ibang mga transport group ng dagdag na P2.50. Pero marami pang ibang naaapektuhan ang pagtaas ng presyo ng langis kaya tinatawag na may ‘domino effect’ ang mga oil price […]

God knows Hudas supports Budget Cuts

Habang naghahanda ang libu-libong estudyante, guro, at kawani para sa mga ngayo’y-makasaysayang campus strikes laban sa pagkaltas sa badyet ng mga State Universities and Colleges (SUCs), iba ang tinig ng mga ilang grupo sa iilang kampus ng Unibersidad ng Pilipinas.

Huli na ang Lahat

Ikalawang taon na niya dapat sa kursong Physical Theraphy sa UP Manila. Pero sa kasalukuyan, estudyante siya ng Biology sa Far Eastern University. Aniya, ito lang ang paraan para panatiliin ang kanyang scholarship dahil sobrang hirap mamintina ang kanyang ‘average’ na grado sa sobrang ‘toxic’ sa UPM. Hindi naman niya kayang bayaran ang kabuuang matrikula sa UP.

Budget Cut Blues

Kapapasa lamang ng Kamara ang pambansang badyet para sa 2011. Tinuligsa ito ng mga progresibong mambabatas bilang minadali, at nagtataglay ng mga baluktot na mga prayoridad. Ang dahilan ni Noynoy? Ang nasabing pondo ay kinakailangan ilipat sa mga sektor at serbisyo na mas nangangailangan. Isang ehemplo na ginamit niya ay ang mga SUCs. Sa harap ng maraming batikos sa kanya dahil sa pagkaltas sa badyet ng Unibersidad ng Pilipinas, inihintulad niya ang mga SUCs bilang mga ‘lumalangoy’ at ang UP bilang ‘nakakalangoy’ at ang iba bilang ‘hindi nakakalangay’.

To the Right, To the Right

Iniisip siguro ng iba, ok naman ito. ‘Rebelde’ rin naman yung mga nasabing sundalo. Sa isang banda, maaaring pagbigyan ito. Rebelde nga naman sila: laban kay Gloria. Pero bakit hindi pinapakawalan ang mga ibang rebelde, at lalo na yung mga hindi naman napatunayang rebelde, tulad ng tinaguriang ‘Morong 43’?

Obligasyon kay ‘Goldilocks’

Kapag pinapaliwanag sa mga kabataan ang mga dahilan bakit kailangang maging aktibo sa mga isyung panlipunan, hirap unawain ng mga middle-class ang konsepto ng ‘obligasyon’: Obligasyon kanino? Saan? Anong inoobliga sa akin? Sa mga nagmula sa ganung uri, para bang galing sa ibang mundo ang mga salitang ‘hustisyang panlipunan’, ‘katarungan’, at ‘kabuhayan’. At kung binabasa mo ito, marahil middle-class ka rin.