To the Right, To the Right
Iniisip siguro ng iba, ok naman ito. ‘Rebelde’ rin naman yung mga nasabing sundalo. Sa isang banda, maaaring pagbigyan ito. Rebelde nga naman sila: laban kay Gloria. Pero bakit hindi pinapakawalan ang mga ibang rebelde, at lalo na yung mga hindi naman napatunayang rebelde, tulad ng tinaguriang ‘Morong 43’?
Sa pagbibigay ni Noynoy Aquino ng amnestiya kay Sen. Trillanes at mga iba pang sundalo na nag-aklas sa ilalim ni dating Pangulo Gloria Arroyo, ipinapakita niya ang pag-kiling niya sa mga pampulitikal na pwersang maka-Kanan.
Una na dito ang pagsunod sa mga kagustuhan ng militar, ang pinaka-maka-Kanan na institusyon sa bansa (sobrang nasa Kanan, nagkakapalitan na sila ng mukha ni Hitler). Hindi niya ipinabasura ang ‘Oplan Batay Laya’, ang programa kung saan pinapatay ng AFP ang mga kritiko ng gobyerno. Halos dodoblehin pa niya ang badyet ng militar sa susunod na taon. At wala ni isang sundalo na sangkot sa pagpatay ng mga aktibista sa ilalim ni Gloria ang nasampahan ng kaso (pero kung alam mo kung anong ginawa ni Noynoy sa mga IIRC recommendations, hindi ka na dapat magtaka).
Iniisip siguro ng iba, ok naman ito. ‘Rebelde’ rin naman yung mga nasabing sundalo. Sa isang banda, maaaring pagbigyan ito. Rebelde nga naman sila: laban kay Gloria. Pero bakit hindi pinapakawalan ang mga ibang rebelde, at lalo na yung mga hindi naman napatunayang rebelde, tulad ng tinaguriang ‘Morong 43’?
Ito ay dahil hindi lahat ng rebelde ay pare-pareho. Ipagtabi mo ang mga rebeldeng sundalo at ang mga nakakulong na aktibista. Ang pangalawa ay para sa libreng pamamahagi ng lupa, pagsasabansa ng mga industriya, at paglipat ng pondo ng militar papuntang serbisyong panlipunan. Sigurado, ang nauna ay tututol sa mga ganito. Bagama’t maaaring magkaisa/nagkaisa ang dalawa sa isang punto sa kasaysayan (sa ilalim ni Gloria), hindi sila maaaring magkaisa sa lahat ng panahon.
Kaya nga ang mga sundalo ay papalayain na ni Noynoy, habang ang mga aktibista ay patuloy na nakakulong.
Sa loob ng isang daang araw ni Aquino, malaki ang ibinagsak sa kredibilidad niya. Kahit ang PDI (Presidential Daily Inquirer) ay aminado dito: kung dati puro sila retorika ng ‘bayan na nagkakaisa’, ngayon ay napipilitan itong kutyain ang mga nagpoprotesta laban kay Noynoy bilang mga ‘bitter’ na natalo nung nakaraang eleksyon. Sa harap ng mabilis na pagbagsak ng rehimeng U.S-Aquino sa putikan ng kasaysayan, mukhang aasa siya, tulad ng kanyang ina, sa bangis at bagsik ng Kanan para kumapit sa puwesto.