Sugod mga Kapatid Uncategorized

Selective Issues


Noong una, tumatalsik ang laway ng mga taga-Akbayan sa pag-aalipusta kay Sison at sa CPP (Communist Party of the Philippines) bilang mga “tuta ng Tsina” at “maingay lamang laban sa US.” Ngayong nagsalita na si Sison, bakit galit pa rin ang Akbayan?

Noong una, tumatalsik ang laway ng mga taga-Akbayan sa pag-aalipusta kay Sison at sa CPP (Communist Party of the Philippines) bilang mga “tuta ng Tsina” at “maingay lamang laban sa US.” Ngayong nagsalita na si Sison, bakit galit pa rin ang Akbayan?

Binasa ko muli yung binabanggit ng Akbayan na interbyu kay Sison: wala namang mali. Ang sinasabi ay nilalabag ng Tsina ang ating soberanya, hindi ‘yan gagawin ng isang tunay na sosyalistang bansa, pero hindi ito dapat gawing dahilan para papasukin ang US. Sa madaling salita, dapat tumayo sa sariling dalawang paa ang Pilipinas para ipagtanggol ang kalayaan nito. Ano’ng mali doon?

Kahit anong sabihin ni Sison, maghahanap at maghahanap ng butas ang Akbayan para tirahin siya at mga iba pa niyang kapanalig. Hindi ito nakapagtataka: Itinuturing kasi ng CPP na panig sa mortal nitong kaaway na mga naghaharing uri ang Akbayan. Ang mga bumuo sa Akbayan ay mga pinatalsik na mga lider ng CPP, kasama sina Ric Reyes (hindi ba dati siyang pangulo ng CPP?), Joel Rocamora, Etta Rosales, at iba pa.

Marahil, hindi masaya ang Akbayan kapag ganito ang naging pagtingin ng mayorya ng mga Pilipino sa usapin ng pakikitungo natin sa US at Tsina: Hindi na magagamit ng US ang Tsina bilang dahilan para ipagpatuloy ang paglabag sa ating soberanya at Saligang Batas kung pareho silang tinuturing na kaaway ng mga Pilipino.

Natatakot rin siguro ang Akbayan na kapag nagsasalita na Kaliwa hinggil sa panghihimasok ng Tsina, hindi na sila pakikinggan. Hindi na nila magagamit yung nasabing isyu para iwasiwas sa harapan natin at ipalimot na kumakalam ang tiyan ng milyon-milyong mga Pilipino.

Kung pagiging ‘selective‘ na makabayan rin ang pag-uusapan, siguradong hindi si Sison iyon. Ito yung partidong dikit na dikit sa administrasyon at tahimik pagno-Noynoying nito sa napakaraming panawagan ng mga mamamayan: pagkontrol sa presyo ng langis, P125 dagdag-sahod para sa mga manggagawa, programa ng tunay na repormang agraryo, paglaban sa budget cuts sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan, atbp.

Kung ang Akbayan ang modelo ng pagiging ‘makabayan’, huwag na lang po! Sa mga makabayang ganito, ‘di na natin kailangan ng mananakop.