Pinoy Weekly

Mga Larawan: Misa para sa magsasaka ng Hacienda Luisita, idinaos

Pinangunahan ni Bishop Teodoro Bacani ang isang misa para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita noong Agosto 17, isang araw bago ang pagdinig sa Korte Suprema hinggil sa petisyon ng Hacienda Luisita Inc. na ipawalang-bisa ang kautusan ng Presidential Agrarian Reform Council na ipamahagi ang mahigit 6,000 ektaryang lupain sa mga magsasaka. Nagpahayag ng pagtutol si Bacani sa compromise agreement na pinaglagdaan ng manedsment noong nakaraang linggo. (Macky Macaspac)

Dumalo sa misa ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita gaya ni Felix Nacpil, tagapangulo ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita o Ambala (gitna), at kanilang mga tagasuporta gaya ni Danilo Ramos, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (kanan). (Macky Macaspac)

Pagkatapos ng misa, nagsagawa ng maikling programa at candlelighting ang mga dumalo, na kinabibilangan ng mga taong-simbahan, estudyante, at iba pa. Dumalo rin ang progresibong mga mambabatas ng party-list gaya ni Rafael Mariano, na naghain kamakailan ng resolusyon sa Kamara para paimbestigahan ang compromise agreement. Nasa kanyang kaliaw si dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo. (Macky Macaspac)

Pagkatapos ng misa, nagsagawa ng maikling programa at candlelighting ang mga dumalo, na kinabibilangan ng mga taong-simbahan, estudyante, at iba pa. Dumalo rin ang progresibong mga mambabatas ng party-list gaya ni Rafael Mariano, na naghain kamakailan ng resolusyon sa Kamara para paimbestigahan ang compromise agreement. (Macky Macaspac)

Hiling ng mga magsasaka ang pagbasura ng Korte Suprema sa Stock Distribution Option at compromise agreement. (Macky Macaspac)

Hiling ng mga magsasaka ang pagbasura ng Korte Suprema sa Stock Distribution Option at compromise agreement. (Macky Macaspac)

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8888

Posted by on Aug 18 2010. Filed under Balita, Multimedia, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

2 Comments for “Mga Larawan: Misa para sa magsasaka ng Hacienda Luisita, idinaos”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by Pheng Mondragon, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: Misa para sa magsasaka ng Hacienda Luisita, idinaos http://bit.ly/ddYPKz [...]

  2. sabi ng teacher namin dapat hindi lahat ipaubaya sa guberno kasi hindi tayo matututu sa mga broblema tulad ng hosteds wala namang nagawa mabuti yun ha

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes